^

Pang Movies

Justin Bieber pinanindigan na ang pagiging sex symbol

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobrang sexy ang photo shoot ni Justin Bieber kasama si Kendall Jenner para sa cover ng Vogue magazine.

Shirtless si Bieber samantalang naka-bikini naman si Jenner na kinunan ng famous Vogue lensman na si Mario Testino.

Nag-post ni Justin ng ilang mga photos nila ni Kendall sa kanyang Instagram account at sinabi niya during the photo shoot:

“As far as shooting fashion goes, or being onstage -- me having to be on -- I don’t get nervous.

“I’ve been kind of on the low, just working on the new album. Now I’m ready to get back on the grind.”

Sina Justin at Kendall ang tinatawag ngayon sa Hollywood na New Brat Pack.

Hindi nga kaila sa lahat ang success ni Bieber bilang isang pop star na nagsimula lang sa YouTube when he was just 13 years old. Ngayon at 21 years old na siya, sex symbol na ang naidagdag sa kanyang titulo.

Si Kendall naman ang natatanging Kardashian na naging breakout star sa larangan ng modeling. Kasama nga siya sa new breeds of supermodel na nagdo-dominate na sa mga international runways.

Kabilang si Kendall sa mga young and fresh supermodels tulad nina Cara Delavigne, Gigi Hadid, Karlie Kloss, and Hailey Baldwin.

Kamalditahan ni Chanda pinupuri pa

Isa sa pinag-uusapan ngayon over social media ay ang role ng award-winning veteran actress na si Chanda Romero sa teleserye na Pari Koy.

Ginagampanan ni Ms. Chanda ang role na Martha Buenavista at ito ang kumalaban sa pamamalakad sa simbahan ni Father Kokoy na ginagampanan ni Dingdong Dantes.

Kinatutuwa ng netizens ang pagganap ni Chanda bilang isang konserbatibong relihiyosa pero may tinatagong pagkamaldita kapag hindi siya nakikita ng mga tao.

Noong makarating kay Ms. Chanda ang mga tweet ng mga nanonood ng Pari Koy, natuwa ito dahil napabilib niya ang mga ito na isa siyang mapagkunwaring Katoliko na kumakalaban sa isang pari.

 “Sana naman huwag akong seryosohin ng ibang mga religious people ha? This is just a role and I am very committed to portraying my character 101 percent,” sey pa ni Ms. Chanda Romero

GMA wala pa ring plano kay Aljur

Nag-turn 24 na si Aljur Abrenica noong nakaraang March 24 at magsi-celebrate siya ngayong Linggo sa Sunday All Stars.

Ito ang magiging pinakamalaking celebration para kay Aljur sa kanyang pagbabalik sa GMA-7 pagkatapos ng mahabang pahinga.

Ayon sa isang source, wala silang ibang plano pa kay Aljur dahil may na­kabinbin pa silang kaso rito bunga nang pagsampa ng aktor ng demanda sa TV station noong July 2014 para mai-release siya sa kanyang kontrata.

 

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BIEBER

CARA DELAVIGNE

CHANDA

CHANDA ROMERO

MS. CHANDA

PARI KOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with