Melissa at nakasakitang businessman patawaran ang kailangan
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - March 28, 2015 - 12:00am

Holy Week na! Magpatawad na sana ang nasaktan alang-alang sa pagpako sa krus ng Panginoong Diyos na ginawa niya dahil sa mga kasalanan ng tao. Lord, forgive our sins!

Sana patawarin na lang ni Mr. Rey Pamaran ang aktres na si Melissa Mendez, tutal humingi na naman ito ng tawad, nag-sorry na siya at sure naman ako na with sincerity ito.

Empress kinaiinisan sa kalandian!

Panay na naman ang react ng mga labandera ng aming kapitbahay dahil sa Kailan Tama ang Mali? Na mapapanood from Monday to Friday sa GMA-7 na pinangungunahan nina Max Collins, Geoff Eigenmann, Empress Schuck, and Dion Ignacio.

Take note, dito pa nakikinood ang mga ito sa aking bahay. Inis sila kay Empress at nalalandian sila rito. Tadtad ng mura ang magandang Kapuso star. Well, pasensya na, talagang napakagaling na artista ni Empress.

Maraming salamat...

Gusto kong pasalamatan ang East West Bank (Binondo Branch), sa lahat ng magagandang teller at desk person na nag-asikaso sa akin nang magkaproblema ako sa aking ATM card. Isa na rito si Ms. Cathy Chung.

Ewan ba naman kung bakit laging nagkakaproblema ako sa aking ATM card. Sorry po Ms. Maga­yonon, Editor Salve A. & Julie at ang nasa accounting Department.

After 2 months nakuha ko naman ulit ang naipit kong ATM card. Maliit na bagay. Thank you po, Ms. Chloe, Ms. Alma at sa iba pang teller! Ang babait nila! ‘Yun lang! Happy weekends!

BINONDO BRANCH CATHY CHUNG DION IGNACIO EAST WEST BANK EMPRESS SCHUCK GEOFF EIGENMANN HOLY WEEK KAILAN TAMA MAX COLLINS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with