^

Pang Movies

Hindi na mapapatawad kahit kailan drama actor parang may ketong ang turing sa drama actress!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dedma na talaga ang drama actor na ito sa isang drama actress na gustong makipagkasundo sa kanya.

Ilang beses nang hindi sinasagot ni drama actor and mga text at tawag ng drama actress sa kanya. Ilang beses na silang nagkita sa ilang events pero todo-iwas ang drama actor para walang masabing may naganap na communication sa kanila ng drama actress.

Minsan daw ay nag-iwan ang drama actress ng message sa voice mail ni drama actor at iyak daw ito nang iyak. Akala ay madadaan pa raw niya sa pag-iyak niya ang drama actor. Hindi na nga raw tinapos ni drama actor ang message nito at agad niyang ibinasura.

Nagpadala rin ng mahabang text message ang drama actress pero hindi na nga ito binasa ng drama actor at binura niya ito agad.

Para nga kay drama actor, deserve na ibasura niya ang drama actress pagkatapos ng mga kahihiyan na inabot dahil sa pagtatanggol dito noon.

Ngayon ay alam na niya ang tunay na personalidad nito, ayaw na niyang madikit ang pangalan nito sa kanya.

Sef haggard na haggard sa rami ng trabaho

Apat ang shows ng Kapuso comedian na si Sef Cadayona kaya mapapansin sa hitsura niya na sobrang pagod siya.

Pero kahit nga raw pagod, hindi nawawala ang energy ni Sef dahil sa mga blessings na dumarating sa kanya.

Kung noon daw ay paisa-isa lang ang show niya, ngayon ay nagkasabay-sabay na.

“Panay lang po ang dasal natin kay Lord. Gusto ko lang pong maranasan kung ano ang pakiramdam ng maraming shows. Biglang nagkatotoo at hindi ako nagrereklamo. ” ngiti pa niya.

Thankful nga si Sef dahil puro mga once a week lang ang taping ng shows niyang Vampire Ang Daddy Ko, Bubble Gang at Sabado Badoo.

Pinakapagod daw siya sa lahat sa Sunday All Stars dahil sa rehearsals at sa live show kung saan nagsasayaw siya.

Chris Brown ‘malaya’ na sa ginawang pananakit SA GF at sa isang lalaki

Nag-celebrate ang nakulong na R&B artist na si Chris Brown dahil na-release na siya mula sa kanyang probation na pag-assault sa ex-girlfriend niyang si Rihanna noong 2009.

Ayon pa sa LA Superior Court Judge James Brandlin na nakumpleto ni Brown ang kanyang 1,000 hours of community labor at ang pag-attend ng domestic violence treatment program.

Noong June 2009 ay nag-plead guilty si Brown sa pagbugbog nito kay Rihanna na nagtamo ng matitin­ding facial injuries.

Nabigyan ng 5-year probation si Brown kasama na ang one year domestic violence program at 180 days of community labor.

Twice na-revoke ang probation ni Brown dahil noong 2013 ay nakasuhan siya sa isang traffic accident at noong 2014 ay kinasuhan naman siya sa pagsuntok sa isang lalaki.

Umabot sa 1,000 hours of community labor ang kinailangang kumpletuhin ni Brown.

ACTOR

BROWN

BUBBLE GANG

CHRIS BROWN

DRAMA

ILANG

LORD. GUSTO

NIYA

NOONG JUNE

SEF

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with