^

Pang Movies

Aktres mayaman pa naman ang BF Daniel at Erich parang totohanan na ang pagkaka-debelopan?!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Hindi kaya mauwi sa pagiging girlfriend at boyfriend ang kasalukuyang closeness na namamagitan kina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga? Yes, the Brazilian na kasalukuyang champ sa katatapos na PBB (Pinoy Big Brother) All In.

Yes, hindi naman kasi lihim ang pagiging taken na ni Erich reportedly with the nephew of mall magnate, Henry Sy. In fact, according din sa aktres, magkasosyo sila sa dalawang restaurant, na parehong pinatatakbo ng karelasyon.

Open naman si Daniel sa pagsasabing wala siyang girlfriend sa kasalukuyan. If reports are true, ang bagong kasal na si Heart Evangelista, now Senator Chiz Escudero’s wife, ang huling babaeng na-link sa kanya.

Naging close sina Erich at Daniel habang ginagawa nila ang series na Two Wives, which co-starred them with Kaye Abad, Patrick Garcia, and Jason Abalos.

Both guests sila ni Kris Aquino sa kanyang programang Kris TV kamakailan.

They do look a nice pair. Sa totoo lang.

Angel papalitan muna si Vice

How nice of Daniel Padilla to have taken the move na humingi ng apology kay Vice Ganda. Yes, in behalf of his and Kathryn Bernardo’s ardent followers na nag-bash kay Vice Ganda in their respective social media account dahil sobrang naiklian sila diumano sa ginawang interview ng TV host sa magka-love team, nang mag-guest ang mga ito sa Gandang Gabi Vice bago pa ang showing ng pelikula nilang Crazy Beautiful You. Inamin kasi ni Vice in an interview na lubhang nasaktan siya sa mga bashing na natanggap niya. And somehow, naging dahilan ito para magtampo siya, ng kaunti lang naman he specified, lalo na kay Daniel.

‘‘Sobra kasing close kami ng Mama ko (Karla Estrada) kay Tita Vice.

‘‘Kaya, naintindihan ko siya,’’ pahayag pa ni Daniel.

‘‘Na-touch ako,’’ ani Vice Ganda, ‘‘aaminin ko, yes na-touch ako sa ginawa ni Daniel.

‘‘Bagama’t wala siyang kasalanan, sa totoo lang, still ‘di siya nagdalawang-isip na humingi ng paumanhin sa akin.

‘‘Sana, mas marami pang kabataan ang tulad ni Daniel ay ‘di lang maunawain, kung hindi mapagpakumbaba pa.’’

Scheduled to leave within the week for a series of concerts in the U.S., Vice Ganda decided to meet with several members of the entertainment press to announce his concert in May sa Araneta Coliseum.

By the way, in his absence bilang host ng It’s Showtime, Reiley ‘‘Jun’’ Santiago, business unit head of the daily noontime ABS-CBN musical show, requested Angel Locsin para maging co-host ng programa kasama sina Vhong Navarro, Karylle, and Anne Curtis, among others.

Yes, starting today.

Yeng nag-aaral mag-alaga ng bahay

Back in town mula sa kanilang honeymoon in Maldives and Singapore pagkatapos ng kanilang wedding noong February 14 sina Yeng Constantino at Pastor Yan Asuncion. They now live together na pag-aari nila.

Since she’s not that busy, sinabi ni Yeng kina Kris Aquino at Boy Abunda in the duo’s late show, Aquino & Abunda Tonight, she is learning how to keep house at siyempre ang magluto.

And so far, ang specialty ni Yeng, she revealed, bukod sa adobong kangkong are adobong baboy, fried chicken, at nilagang manok.

And how is Yeng’s faring as a first-time cook?

‘‘Pretty well,’’ sagot ni Pastor Yan. ‘‘I like her style. Masarap.’’

In two years pa balak nilang magkaroon ng anak. By then, according to Yeng, she would have been 10 years in the business.

Kung matatandaan, si Yeng ang naging champ in the Pinoy Dream Academy (PDA).

ABUNDA TONIGHT

ALL IN

ANGEL LOCSIN

ANNE CURTIS

DANIEL

KRIS AQUINO

VICE

VICE GANDA

YENG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with