Marian at Gloria parang magkadugo
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - March 25, 2015 - 12:00am

Nagsimula nang mag-taping si Marian Rivera ng The Rich Man’s Daughter kasama si Gloria Romero. Bagay na maglola ang dalawa dahil pareho silang maganda, mestisa at kahit saan anggulo kunan ay mapagkakamalan talaga silang parang magkadugo sa tunay na buhay.

Enjoy si Marian na makatrabaho si Gloria dahil nirerespeto niya ito bilang artista. Isa pa makakapulot siya ng mga karanasan nito na 60 years na pala sa showbiz.

Kapag tinanong si Marian tungkol sa pagdating ng baby nila ni Dingdong Dantes ay lagi ito ang kanyang sagot “Sana huwag n’yo kaming i-pressure ni Dong sa pagdating ng aming baby. Alam naming ipagkakaloob din ito sa amin ni Lord sa tamang panahon. Let’s be patient na lang at darating din ang baby. Trabaho muna ang iniintindi namin ni Dong.”

Lance nakita si Kristo sa panaginip

Nanood kami ng Alisto ni Arnold Clavio kung saan ipinakita ang aksidenteng tinamo ng singer-actor na si Lance Raymundo. Hindi inaasahan ni Lance na siya’y mabubuhay pa at itinuturing niya itong isang himala.

“Noong nakaratay ako sa higaan ay may narinig akong boses at sinabing maghihirap lang ako sa loob ng anim na araw at sa ikapitong araw ay mawawala na ang sakit. Waring nakita ko ang mukha ni Kristo sa isang bintana at itinuturing kong isa itong himala dahil matibay naman ang pananampalataya ko sa Kanya. Gumaling ako after a series of reconstructive surgery,” anang Lance.

ALAM ALISTO ARNOLD CLAVIO DINGDONG DANTES GLORIA ROMERO KRISTO LANCE RAYMUNDO MARIAN RIVERA RICH MAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with