Sarah nagulat sa pagbabati nina Annabelle at Esther
Jun Lalin (Pang-masa) - March 22, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bati na sina Annabelle Rama at Esther Lahbati, nanay ni Sarah Lahbati at lola ni Baby Zion.

Naganap ang pagbabati ni Bisaya at ng nanay ni Sarah kahapon sa Love 2 Collection event ni Ruffa Gutierrez at ng mga anak na sina Lorin at Venice Bektas.

Kahapon ay naisulat ko, na ipinagpaalam ni Sarah kay Bisaya na a-attend sa nasabing event ang kanyang nanay at um-okey naman ang nanay ni Richard Gutierrez.

At kahapon nga, nang dumating sa event si Esther, may nag-advice na umiwas ito kay Bisaya, pero sabi ko, walang masama kung magkita ang dalawa. Kaya walang humarang kay Esther nang pumunta siya sa harap ng stage kung saan nakaupo si Bisaya kasama ang mister na si Eddie Gutierrez, Baby Zion at Richard. At nang makita sila ay bumati ito pati kay Bisaya na tinanggap naman ng huli. Ayun na, tapos na ang gusot sa pagitan ng dalawang nanay.

Marami nga ang natuwa sa pagbabati ng da­lawa.

Nang makausap ko si Esther ay sinabi niyang mabuti na rin na naayos na ang gusot sa pagitan nila ni Bisaya.

“Mas okay na na bati-bati na ang lahat. Kahit ano naman ang mangyari family pa rin kami,” ang masayang pahayag ni Esther.

Si Bisaya naman, welcome sa kanya ang pagkakaayos nila ni Esther.

“Para masaya rin sina Richard at Sarah,” sabi ni Bisaya.

Tuwang-tuwa rin si Sarah at nagulat na pagda­ting niya sa nasabing event ay bati na ang nanay niya at si Bisaya.

“Nagulat ako, pero ang saya,” sey ni Sarah.

ANNABELLE RAMA BABY ZION BISAYA EDDIE GUTIERREZ ESTHER LAHBATI RICHARD GUTIERREZ RUFFA GUTIERREZ SARAH LAHBATI SI BISAYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with