BF ni Ruffa naglahong parang bula, ayaw pa-interview
- Vinia Vivar (Pang-masa) - March 22, 2015 - 12:00am

Successful ang Love Collection 2 nina Ruffa Gutierrez at Rajo Laurel na ginanap kahapon (Satur­day, March 21) sa The Events Place, Century City Mall, Makati dahil bukod sa pagdalo ng Gutierrez family, naroroon din ang mga celebrity moms with their kids tulad nina Andi Eigenmann and daughter Ellie, Precious Lara Quigaman with son Noah, at ang twin ni Joel Cruz na pinagkaguluhan din talaga, sina Prince and Princess.

Rumampa ang kids dahil nga pangbata naman this time ang mga damit na ginawa ni Rajo na ang nag-sketch ng ilang kasuotan ay ang dalawang anak ni Ruffa na sina Lorin and Venice Bektas bukod pa nga sa kasama rin sila sa fashion show.

Kasama rin sa rumampa si Baby Zion na karga-karga ng amang si Richard Gutierrez.

Pero ang pinaka-highlight ng event ay ang pagbabati ng dalawang in-laws na sina Annabelle Rama at mommy ni Sarah Lahbati na si Mrs. Esther Lahbati.

Matatandaang nagkasamaan ng loob ang magbalae last year sa birthday at binyag ni baby Zion at ngayon lang sila nagkita ulit. Nagbesohan ang dalawa at parang walang nangyari’t magkatabi pa silang nagtsitsikahan habang nanonood ng fashion show.

Siyempre, masayang-masaya sina Sarah and Richard sa nangyari.

Ayon kay Sarah, hindi nga raw niya alam na nagkabati ang dalawa dahil nasa baba siya at nagme-make-up. Nagulat na lang siya nang malaman niya.

“Medyo kinakabahan na nga ako dahil alam ko na after a long time, they will see each other again and hindi ko na alam kung ano ang mangyayari. Ayoko na part 2, gusto ko, ending na,” kwento ni Sarah nang makausap namin.

“And then, paglabas ko ng stage, nakita ko, nasa harap sila, magkatabi pa silang dalawa. Na okay na okay na sila, and they were smiling at each other, and super-happy kasi ang bigat naman kasi sa loob na hindi okay ang mom and your partner’s mom,” dagdag pa ni Sarah.

Maging si Annabelle ay masayang-masaya rin at say nga raw kay Sarah, this calls for a celebration.

Ano’ng sabi ni Richard?

“He’s very happy also, pareho lang kami ng nararamdaman. Matagal namin itong ginusto, and actually, kanina, iniisip ko na parang, feeling ko nga, tatagal pa ang panahon bago sila mag-usap kasi, magkaiba sila ng personalities, hindi talaga sila magkasundo right away.

“But now that they’re talking to each other, I’m sure, darating din sa punto na you know, they will accept things,” she said.

Samantala, masayang-masaya naman si Ruffa sa success ng Love Collection 2. Ang balita nga namin ay sold out na raw ang lahat ng damit.

“Gano’n? Mabuti naman, how exciting,” say ni Ruffa nang may mag-comment sa kanya na sold out na. “Eh limited collection naman itong Love collection, 300 pieces lang, so ‘pag naubos, gagawa ulit ng panibago and we are going to sell again in June.

“Pero as of now, this is just the VIP lounge. It’s gonna be available to the public on Monday pa. Actually, nakakatakot nga, kasi sa dami-daming nag-preorder, nagpa-resize and everything, natatakot sila Rajo, baka wala nang maitinda sa Monday. Sabi ko, kahit limang piraso, magbenta naman kayo.”

Ayon kay Ruffa, ang lahat ng kikitain sa nasabing event ay sa dalawang bata lang at wala raw siyang ginalaw dahil ang mga ito naman ang nag-design ng mga damit. Bale sariling income ito ng mga bagets.

“Naku, abonado pa nga ako. Siyempre, sa kanila mapupunta no? Gusto nilang magpunta ng States, ang dami nilang gusto,” natatawang sabi ni Ruffa.

By the way, naroroon din ang French boyfriend ni Ruffa na si Jordan Mouyal na nang lapitan ng press for an interview ay umiwas at nawala na.

“Takot siya sa interview, nawala na, eto nga, text nang text,” sabi ni Ruffa.

ANDI EIGENMANN ANNABELLE RAMA AYON BABY ZION CENTURY CITY MALL LOVE COLLECTION RUFFA SILA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with