Pahinga na talaga sa 2016 Ate Vi priority na ang pelikula kesa pulitika?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 21, 2015 - 12:00am

Happy na siguro ang fans ni Governor Vilma Santos, dahil finally gagawa na rin siya ng isang pelikula. It means, medyo maluwag ang kanyang schedule ngayon sa kapitolyo. Hindi siya masyadong busy kaya maaari siyang gumawa ng pelikula. Sabi nga rin nila, isang indication iyon na talagang tatalikuran na muna niya ang pulitika pagkatapos ng term niya sa 2016, dahil months away bago ang deklarasyon ng mga gustong tumakbo sa 2016, gagawa pa siya ng pelikula. Pero hindi mo masabi, dahil ang kasabihan nga sa ganyan, “it’s anybody’s game.”

Pero in the meantime, dapat na matuwa na nga ang fans ni Ate Vi. Isipin ninyo, nakahanda na siyang gumawa ng isang mainstream movie, at makakasama pa niya si Angel Locsin na isa ring malaking star ng kumpanya. Ibig sabihin, dahil sa laki ng casting, isa ‘yang mala­king pelikula. Huwag na nating pansinin iyong iba pang artista, sina Ate Vi at Angel lang talagang matindi na. Hindi ba napakagandang project niyan, samantalang iyong iba nagkakasya na sa mga barya-baryang indie film, o kaya naman hanggang ngayon ay nganga pa rin?

Kung iisipin mo napakasuwerte ni Ate Vi. Umabot na siya nang mahigit na limang dekada sa industriya ng pelikula pero basta gumagawa siya ng pelikula, bida pa rin siya. Siya pa rin ang leading lady. Hindi kagaya ng iba na leading lady nga pero wala naman talaga.

Si Ate Vi, ano man ang sabihin ninyo, kumikita pa rin ang pelikula. Ang lahat ng mga pelikula niya ay nailalabas sa sinehan. Hindi siya kagaya ng iba na kailangang maghintay ng festival para makakuha ng playdate sa mga sinehan. Hindi siya kagaya ng iba na ang mga pelikula ay nabubulok na lang dahil ayaw ilabas ng mga sinehan, ni hindi maibenta sa video dahil ayaw ng video distributors.

Kung sa sinehan nga naman hindi inilalabas eh, sino ang bibili ng video? Kahit nga mga pirata hindi pinipirata ang mga ganoong pelikula, dahil sabi nga nila “kung sa sine wala, malulugi lang kami diyan.”

Isipin ninyo ha, iyong mga halos walang puhunan takot pang malugi, eh iyong mamumuhunan pa kaya?

Trailers ng Viva movies nasa cellphone na rin

Iba na talaga ang modernong panahon. Iyong mga trailer, behind the scenes, at iba pang mga panooring may kinalaman sa pelikula, mga concert at telebisyon mapapanood na ninyo sa cellphone. Iyan ay dahil doon sa latest tie up na ginawa ng Viva Entertainment at ng Globe.

Ngayon hindi na kayo maghihintay sa telebisyon o papasok sa mga sinehan para makita ninyo ang trailer ng pelikulang inyong panonoorin, puwede na sa cell phone. Hindi lang maliwanag sa amin kung mga pelikula lang iyan ng Viva, mas ok sana kung pati pelikula ng iba dahil mas madali para sa movie audience na mapanood iyon.

Pero interested kami doon sa mga behind the scenes. Mayroon din naman niyan sa cable, kaya lang madaling araw lang iyan inilalabas, kung wala na silang pelikula.

Pinakasikat na member absent concert ng One Direction, harang!

Kung isa kayo sa nakabili ng ticket at manonood ng concert ng One Direction ngayong gabi o bukas, isipin na lang ninyong para kayong nadukutan.

Kasi wala sa grupo ang pinakamaraming fans sa kanila, si Zayn Malik. Ang sabi-sabi, nagselos yata ang girlfriend niya at binantaan siyang kung hindi uuwi at makikipag-usap sa kanya ay tapos na sila. Na-stress daw si Zayn dahil doon kaya nagbalik sa UK at hindi na sumama sa concert dito sa atin at sa Jakarta. Harang.

ATE VI DAHIL IBA KUNG PELIKULA SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with