^

Max nanghingi ng tips kay Andrea sa paghuhubad!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - March 20, 2015 - 12:00am

Nagpapasalamat si Max Collins sa kanyang kaibigan na kapwa Kapuso star na si Andrea Torres dahil sa magagandang advice na binigay nito sa kanya bago siya magpa-sexy sa cover ng FHM.

Nagpaka-daring na kasi sa cover ng naturang men’s magazine si Andrea last year at wala siyang pinagsisihan sa kanyang ginawa.

Advice raw ni Andrea kay Max ay siguraduhin nito na nasa puso niya ang pag-pose sa FHM para kumportable siya sa mga ipapagawa sa kanya.

Kung hindi raw, sure na  mahahalata sa kanyang mga pictures.

“Malaking tulong ‘yung mga sinabi ni Andrea. Naging magaan para sa akin ang naging photo shoot. Kaya naman okey lumabas ang mga pictures at hindi ako mukhang kabado. I was fierce!” sabay tawa pa ni Max.

Malaking boost daw sa confidence ni Max ang pagiging cover girl niya sa FHM, lalo na’t kailangan maging sensual ang kanyang character sa pinagbibidahan niyang afternoon drama series na Kailan Ba Tama Ang Mali?

Ken naglakwatsa sa Asia at Europe

Masuwerte ang Kapuso hunk na si Ken Alfonso dahil ilang buwan pa lang siya sa showbiz ay nabigyan na siya ng pagkakataon na maging host ng bagong travel show sa GMA NewsTV. Ito ay ang Touchdown na eere na sa March 21, 11:30 a.m.

Natapos nang i-shoot ni Ken ang buong first season ng Touchdown at natuwa siya dahil first time niyang makabiyahe sa iba’t ibang bansa sa Asia at Europe.

ANDREA ANDREA TORRES KAILAN BA TAMA ANG MALI KAPUSO KEN ALFONSO MALAKING MAX COLLINS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with