Kahit si Pancho Max wala raw lalaking dapat pagpaalaman
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 19, 2015 - 12:00am

“No need na magpaalam ako kay Pancho (Magno) nang pumayag na akong mag-pose sa FHM men’s magazine,” sagot ni Max Collins nang natungin sa pocket interview kung kanino siya nagpaalam. Si Pancho ang sinasabing boyfriend ni Max.

“Saka career ko ito, bakit kailangan kong magpaalam sa kanya, we’re friends naman but we’re not dating anymore.

“Siyempre pa, supportive din ang PPL Management ko.”

Pero hindi na raw sila nagdi-date talaga ngayon ni Pancho dahil she’s too busy, bukod sa afternoon prime niyang drama series na Kailan Ba Tama ang Mali? may taping siya ng Bubble Gang na napapanood every Friday at live naman sila sa Sunday All Stars. Ang gusto lamang niya, mag-focus sa kanyang career, mas dumami ang kanyang projects at maging successful ang drama series nila nina Geoff Eigenmann at Dion Ignacio. Biniro tuloy si Max na ngayong pareho silang single ni Geoff, may possibility ba na maging sila, lalo na at madalas ang mga kissing scenes nila sa kanilang soap na gumaganap silang mag-asawa sa story? Matagal na raw silang magkaibigan ni Geoff, pero wala raw namang ganoong issue sa kanilang dalawa.

Megan tanggal na sa Marimar?!

May nabasa kami na hindi na raw tuloy si 2013 Miss World Megan Young na i-remake ang Mexican telenovela na Marimar na ang unang Pinoy adaptation ay ginampanan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera in 2007. Natanong namin ang isang executive ng GMA-7 kung totoo ang balita na hindi na tuloy ang project for Megan.

Tuloy pa rin ang project pero hindi muna niya inamin na si Megan nga ang gaganap na bagong Marimar dahil marami pa silang inihahanda sa production. Kailangan pa raw nilang humingi muli ng permiso sa Televisa (ang TV network na nag-produce ng Marimar ni Thalia noon). May mga bago nang requirements ang Televisa at inaayos na nila iyon. Yes, may audition pa rin sila sa ibang characters na bubuo sa cast, pero sure na this year, malamang matuloy na ang proyekto.

BUBBLE GANG DION IGNACIO GEOFF GEOFF EIGENMANN KAILAN BA TAMA KAPUSO PRIMETIME QUEEN MARIAN RIVERA MARIMAR MEGAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with