Daniel nang-agaw ng eksena sa Two Wives
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - March 16, 2015 - 12:00am

Huli man daw at magaling, naihahabol din ang drama ni Daniel Matsunaga na umagaw ng eksena sa katatapos na Two Wives last Friday.

Marami tuloy fans ng hunk actor ang naiinggit sa moment nina Daniel at Erich Gonzales dahil sila ang nagkatuluyan sa ending ng teleserye ng ABS-CBN.

Aliw factor naman ang isang suggestion ng netizen na puwede raw gawan ng adaptation si Daniel ng Unforgettable Love, ang serye ni Jerry Yan na kasalukuyang ipinalalabas din sa ABS-CBN. Isama pa raw ng Kapamilya Network si John Spainhour na hindi raw kailangang mag-Tagalog ng dalawang foreign model-actor dahil sosyalan ang takbo ng kuwento.

Nicco payag ‘makabangga’ sa pelikula ang amang si Jose

Hindi showbiz si Nicco Manalo at hangga’t maaari ay ayaw niyang tinatanong siya tungkol sa kanyang tatay na si Jose Manalo.

Pero sa katatapos na Star Awards for Movies ng PMPC (Philippine Movie Press Club) na ginanap kamakailan kung saan nanalo siyang Best Supporting Actor sa movie na The Janitor, natuto si Nicco na pasalamatan ang kanyang mga magulang, kahit hindi niya binanggit ang mga pangalan.

Pareho ang paniniwala nina Nicco at Jose, na in time ay maaayos din nila ang problema ng kanilang pamilya. Pero parehong willing na magkasama sa trabaho ang mag-ama kung mabibigyan daw sila ng chance.

Aminado si Nicco na marami pa siyang kakaining bigas kung maikukumpara sa tatay niyang si Jose, na hindi lang magaling na ko­medyante kundi magaling na aktor din. Pero puwede raw siyang makipagtagisan sa ama ng aktingan kung may pagkakataong pagsasamahin silang dalawa.

BEST SUPPORTING ACTOR DANIEL MATSUNAGA ERICH GONZALES JERRY YAN JOHN SPAINHOUR JOSE MANALO KAPAMILYA NETWORK NICCO NICCO MANALO PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with