Movie nina Coco at Nora kinapos sa budget?!
Vir Gonzales (Pang-masa) - March 16, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – May mga nagtatanong kung bakit biglang nawalan ng ingay ang pelikulang Padre de Pamilya, na pinagsasamahan nina Nora Aunor at Coco Martin. Kinapos ba ito sa budget? Pero imposible dahil maraming pera si Coco at halos wala na nga raw mapaglagyan.

Sana ituloy na ang showing ng movie nila ni Nora para matupad ang pangarap niya sa showbiz. Hindi lahat ng artista ay puwedeng makasama ang superstar. Kahit bumilang pa si Coco ng dose–dosenang movie, malaking kakulangan kapag walang movie with Nora.

Sa April 17 gaganapin ang Pasado Awards na kinabibilangan ng mga guro. Dalawang movie ni Guy ang napiling Best Picture, ang Dementia at Hustisya.

Mister ni Patricia may pusong Pinoy

Four months na sa Pilipinas ang dating sexy star ng Viva na si Patricia Javier. Nagbalik siyang kasama ang Amerkinong asawa na si Dr. Rob Walcher at dalawang anak na sina Robert Douglas at Ryan James.

Mabait ang asawa niyang Amerikano na may pusong Pilipino. Nanggagamot ito sa kanilang lugar sa Antipolo.

Ismol Family nakakabato ang kuwento!

Maganda at powerful ang casting ng Ismol Fa­mily na kinabibilangan nina Ryan Agoncillo, Carla Abellana, Mikael Daez, at Carmi Martin.

Sana gawin ding powerful ‘yung istorya nito dahil korni kalimitan ang anggulo. Pilit ang mga patawa. Aksaya lang sa kuryente at oras sabi nga ng mga nakakapuna sa GMA TV show.

BEST PICTURE CARLA ABELLANA CARMI MARTIN COCO MARTIN DR. ROB WALCHER ISMOL FA ISMOL FAMILY MIKAEL DAEZ NORA NORA AUNOR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with