Rachelle Ann hindi na talaga nag-renew sa Miss Saigon pero interesado sa Les Miserables
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 15, 2015 - 12:00am

One week lamang pinayagan ang multi-talen­ted artist and award winning theater actress na si Rachelle Ann Go na bumalik sa bansa, courtesy of Disney Asia (all expenses paid) para i-record ang version niya ng A Dream Is A Wish Your Heart Makes for the music video of Disney’s Cinderella na ipinalalabas na ngayon sa mga paborito nating sinehan. Sinamantala ni Rachelle ang pagkakataon at nakapag-guest siya sa The Ryzza Mae Show na pinalakpakan ang kanyang pag-awit without using a microphone, dahil nasanay na siyang gamitin ang boses niya while performing as Gigi Van Tranh sa Miss Saigon sa West End in London. Nag-perform din siya sa audience ng The Block sa SM North EDSA na nanood ng Cinderella.

Ngayong hapon, may grand welcome kay Rachelle sa Sunday All Stars and will take the center stage as she performs sa show na pansamatala niyang iniwanan seven months ago. Isi-celebrate din ni Rachelle ang 11th year niya in showbiz, na nagsi­mula nang maging champion siya sa Search For A Star in 2004.  Nag-post siya sa kanyang Instagram (IG) account ng: “I joined a singing competition called Search For A Star hosted by one of my inspirations, Ms. Regine V.  It opened a lot of doors after the finals night. Albums, concerts, tours here and there...It was a dream, but my journey was not easy.  There were a lot of obstacles, people who pulled me down and made me feel worthless.  It was painful but I guess it was ‘part’ of it and still is. I was on the verge of giving up but I did not. I just kept on drea­ming... I learned that we are all important in God’s eyes. Let us just believe and have faith in what He gave us and use it in His purpose. Appreciate all the people believing in what we can and what we think we can’t do. Just be patient because God’s timing is perfect...always. Thank YOU. To God be the Glory!”

Sa Tuesday, March 17, na ang balik ni Rachelle sa London para ituloy ang kanyang pagganap as Gigi sa Miss Saigon na sa husay ng performances niya, dalawang acting awards na ang kanyang natanggap.  Last performance na lamang niya for the role sa May 9, sa pagtatapos din ng contract nito sa Miss Saigon at wala na siyang balak ituloy ito. Pero ayon kay Rachelle, itutuloy niyang mag-audition sa iba pang musical play sa West End, like sa Les Miserables at Wicked.

Juancho hindi isinusuko ang pag-aaral

Isa sa very promising young actor ng GMA Network si Juancho Trivino na isa sa nakapasa sa audition para sa youth oriented show noon na Teen Gen. Nasundan pa iyon ng ilang soap tulad ng Villa Quintana, mga guest roles at mainstay na rin siya ngayon ng Bubble Gang.

Kahit busy dahil may mga mall shows din siya as endorser ng Boardwalk, hindi pinabayaan ni Juancho ang kanyang studies at ngayon ay nasa fourth year na siya ng Business Management sa De La Salle University. Thankful siya na kasama rin siya sa bagong Sunday afternoon family-oriented show na InstaDAD. Excited na siyang maka­trabaho si Gabby Eigenmann, na hinahangaan niya ang husay sa pag-arte. Gaganap si Juancho na isang school heartthrob, katambal ang isa pang promising young star ng GMA na si Ash Ortega. Sa April pa ang pilot telecast nila, right after Sunday All Stars.

ASH ORTEGA JUANCHO MISS SAIGON RACHELLE SEARCH FOR A STAR SIYA SUNDAY ALL STARS WEST END
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with