Male celeb nilalayasan ng mga PA dahil sa kakuriputan at sobrang kasuwapangan!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - March 13, 2015 - 12:00am

Nuknukan pala ng kuripot ang guwapong male celebrity na ito.

Ito ang reklamo sa kanya ng mga naging personal assistants niya na hindi nagdalawang-isip na iwanan ito. Hindi na nila matiis pa ang sobrang kuripot ng male celeb at ang pagiging insensitive sa nararamdaman nila.

Kuwento ng isang former assistant na kapag nasa isang out-of-town engagement sila, hindi raw iniisip ni male celebrity kung nakakain na ang kanyang assistant. Basta nakakain na raw ito, wala siyang pakialam sa mga kasama niya kung nakakain na ba ito o hindi pa.

“Sa mga dating pinagsilbihan ko as assistant, galante sila sa pagkain, lalo na kapag nasa out-of-town shows or shooting kami.

“Yung huling artista na naging PA ako, lagi siyang nagbibigay ng pagkain sa akin. Kaya nanibago ako sa isang ito kasi siya kakain na mag-isa. Ni hindi niya kami tanungin ng driver niya kung gutom ba kami.

“Hindi sa naghihintay kami na magyaya siya. Pero bilang magkasama kayo sa biyahe, natural lang naman na yayain mo ang kasama mong kumain, ‘di ba?

“Palibhasa hindi rito sa Pilipinas lumaki kaya siguro ganyan ang ugali,” diin pa ng PA.

Ang isang assistant naman ay nakita rin ang pagi­ging suwapang ng male celebrity.

Sa isang event launch ng isang food product, hinakot daw nito ang lahat ng ipinamigay na de lata ng may-ari. Pati ang para sa kanya ay kinuha nito.

“Ilang beses na kaming um-attend ng events na may giveaways na products. Nakikipag-unahan talaga siya.

“Hindi sa ano pa man, ‘di ba? Kaso may talent fee na siya sa appearance niya. Kailangan pa bang suwapangin mo ang giveaways?

“Pati ‘yung para sa akin ay kinuha niya. Nahiya lang akong hingin ‘yon kasi mabilis niyang pinasok sa sasakyan niya.

“Ano ba naman ‘yung bigyan niya ako ng ilang pirasong de lata, ‘di ba? Eh higit na limang dosena ang binigay sa kanya.

“Yung aktres na pinagtrabahuan ko ng two weeks lang as PA, ang daming binigay sa akin kapag may giveaways siya. Pagkain, damit, beauty products, at kung anu-ano pa. Itong isang ito, saksakan ng suwapang. Hindi marunong mag-share.

“Naghihintay ako na abutan niya ako kahit na tatlong de lata. Pero wala talaga. Inuwi niya lahat. Feeling ko may sari-sari store siya kaya ayaw niyang mabawasan ang mga de lata para maibenta niya.”

Kaya naman nakailang PA na ang nilayasan ang male celebrity dahil sa hindi katanggap-tanggap na ugali nito.

Rachelle Ann ayaw nang bumalik sa London, magku-concentrate na sa career sa ‘Pinas

Magbabalik ngayong Sunday sa Sunday All Stars si Rachelle Ann Go pagkatapos nga ng stint bilang si Gigi sa Miss Saigon in London.

Maraming fans ang na-miss ang performance ni Rachelle sa SAS kaya special ang number na ipapakita niya.

Kinumpirma rin ng singer-theater actress na hindi na siya nag-extend pa sa Miss Saigon at gusto na niyang asikasuhin na ang career niya rito sa Pilipinas.

Sa pagbalik ni Rachelle, agad siyang pinili ng Disney Channel na awitin ang A Dream is a Wish Your Heart Makes para sa music video ng Disney’s Cinderella.

Hindi malilimutan ni Rachelle Ann ang kanyang naging magandang experience sa Miss Saigon. Pinuri ang pagganap niya bilang si Gigi ng mga theatre critics sa London at nabigyan pa siya ng award as Best Featured Actress in a Musical sa 2014 Broadway World West End Awards at sa WhatsOnStage Awards.

Pero ang pinakahindi malilimutan ni Rachelle ay ang maging bahagi siya ng ika-25th anniversary ng Miss Saigon sa London at naka-duet pa niya ang idol niyang si Ms. Lea Salonga kung saan nabigyan pa sila ng standing ovation.

Ginaya raw ang kanta ni Marvin Gaye Robin Thicke at Pharrell Wiliams talo sa kaso, pinagbabayad ng mahigit $7 million

Napatunayan sa korte na ginaya nila Robin Thicke at Pharrell Williams ang awitin ni Marvin Gaye na Got to Give It Up para sa hit single nila na Blurred Lines.

Inutusan ng korte sila Thicke at Williams na bayaran ang mga anak ni Marvin Gaye ng $4 million in damages plus profits na kinita ng dalawa sa Blurred Lines. Aabot sa $7.4 million ang dapat nilang ibigay.

Ang mga anak ni Marvin Gaye ang nagsampa ng lawsuit kina Thick at Williams pagkatapos nilang marinig ang Blurred Lines na katulad ng awitin ng kanilang yumaong ama.

Ngayon ay natapos na rin ang kanilang ipinaglalaban at nagwagi sila kahit na nagsampa ng kontra-demanda ang kampo nila Thicke at Williams.

BLURRED LINES MARVIN GAYE MISS SAIGON NIYA PERO RACHELLE SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with