Julia naglabas din ng pera sa engrandeng debut
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - March 13, 2015 - 12:00am

Julia Barretto pala was not keen on holding a grand party for her 18th birthday last March 10. Mas type niya sanang mag-travel abroad.

But in the end, her desire na makapiling ‘di lang ang kanyang mga kamag-anak, kundi maging ang kanyang friends on this, as ’di na nga naman ito babalik pa, natuloy ang grand debut niya.

Contrary to report daw, Julia spent for her party. Yes, galing sa kanyang sariling savings.

Mom Marjorie (Barretto), she said, advised her to handle her earnings. “Kasi, alam niyang super kuripot ako,” ani Julia. “Kung hindi, paano ako makakaipon ng malaking amount which I spent for this party?”

Happy si Julia na ’di siya nawawalan ng pro­ject. Anytime soon, nakatakda nang ipalabas ang bagong movie niya with Iñigo Pascual, Para sa Hopeless Romantic, co-starring the two of them, too, with James Reid and Nadine Lustre.

Thankful lalo si Julia sa mga endorsement na patuloy niyang natatanggap.

Antoinette hindi pa nakaka-move on kay Dingdong?!

Back in town sa local showbiz si Antoinette Taus, who, for a time, together with younger brother Tom (Taus) was in the U.S. aniya, para subukan ang kapalaran doon.

In fairness naman kay Antoinette, she was still active in local showbiz when she left. She was then linked too to Dingdong Dantes, who just recently got married sa kanyang kapwa Kapuso talent na si Marian Rivera.

Well, according to Antoinette, there’s no love lost between her and Dingdong nang siya ay umalis. Maganda ang naging paghihiwalay nila.

She and Dingdong have not met since bumalik siya ng Pilipinas. ‘Di pa rin siya nagkaroon ng pagkakataong ma-meet in person si Marian. Although she would love to.

In any case, sa kanyang pagbabalik, with Tom nga, wala siyang expectations na may babalikan pa siyang showbiz career. Bagama’t there was the intention to ‘test’ the water, kumbaga.

Well, it looks like may magandang mangyayari sa kanyang pagbabalik.

Kasama kasi si Antoinette ngayon sa cast ng Bridges of Love, which stars three of ABS-CBN’s top actors, Jericho Rosales, Paulo Avelino, at Maja Salvador.

Maganda raw ang kanyang role sa series and she has started taping for it.

Asked how she finds working with the ‘trio’, ani Antoinette, ’di pa siya closely nagkakaroon ng eksena individually with them.

“But I hope, ’di ako magpapahuli sa kanila, dahil balita ko, magagaling lahat silang artista,” tukoy ni Antoinette.

Kris inayawan si Derek para magpaka-stage mother kay Bimby

Stage Mom pala ang description ni P-Noy sa nakababatang kapatid na si Kris Aquino, who admits, her Kuya raw knows na tutok-marino siya sa anak na si Bimby Aquino Yap, tuwing may ginagawa itong movie o TV show.

Like now, obviously aware si P-Noy that she gave up a movie project kung saan makakatambal niya sana si Derek Ramsey for the first time dahil mas pinili niyang samahan si Bimby, habang nagsu-shooting ito ng kanyang first movie with fellow child star, Jana Agoncillo. Si Jana ay gumaganap bilang adopted daughter ni Zanjoe Marudo sa top series na Dream Dad.

ANTOINETTE ANTOINETTE TAUS BIMBY BIMBY AQUINO YAP BRIDGES OF LOVE BUT I JULIA KANYANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with