^

Pang Movies

Ayaw ipa-chop chop Sunshine hindi na ipinapalabas ang interview kay Kris

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Noong Thursday ay nag-post si Sunshine Cruz sa kanyang Facebook account tungkol sa one-on-one interview sa kanya ni Kris Aquino para sa The Buzz.

“Taped an exclusive one on one interview with krisy last night. Finally gave in sa request ng kids. It was tough pero ba­kit nga ba kami nakangiti ni krisy here? Its because she asked me if im dating now. Of course sinagot ko sya ng totoo and we both laughed sa aking answer,” ani Sunshine sa kanyang FB account.

Muli ay nag-post ang estranged wife ni Cesar Montano sa kanyang FB account kaugnay ng one-on-one interview sa kanya ni Kris.

“My one on one interview will not be aired this sunday due to some legal issues. Understandable and acceptable.”

Sa pamamagitan ng FB Messenger ay naka-chat ko ang sexy actress.

Inusisa ko siya kung may pumigil ba kaya hindi natuloy ang pagpapalabas kahapon ng interview niya sa The Buzz.

“Wala namang pumigil. Sabi ko kasi kung i-edit at hilaw lang, ‘wag na lang ipalabas. So nag-decide kami na wag na lang,” sagot ni Sunshine sa aming chat.

“So ipapalabas sana, pero ie-edit, hindi ka pumayag?” tanong ko.

“They requested it (i-edit ang interview) but mas okay na lang hindi mai-air kung hilaw or bitin ang answers,” sagot ni Sunshine. “Kung may ma-salvage raw kasi sa mga sinabi ko, konti lang daw. So sabi ko, wag na lang siguro ilabas. Everything kasi is really sensitive. Kahit anong ingat ng sagot, reve­lation pa rin talaga.”

Ayon pa kay Sunshine, very heartfelt ang interview sa kanya ni Kris at mismong tinaguriang Queen of All Media ay naiyak. Pati raw mga tao sa studio ay naiyak.

“Okay lang naman. Actually, touched ako dahil pati si Tito Alfie (Lorenzo, her manager) nandoroon. Full support talaga sa akin,” sabi pa ni Sunshine.

Nilinaw rin ni Sunshine na ang tatlong anak niya talaga ang nag-request sa kanya na magpainterbyu na para masagot na rin ang mga taong namba-bash sa kanya sa social media.

“Sila na mismo ang nagsabi sa akin,” sabi pa ni Sunshine.

Samantala, inusisa ko rin si Sunshine kung bakit nagtatawanan sila ni Kris sa isang litratong pinost niya na kuha sa interview na ‘yon?

“Tinanong kasi ako ni Kris if I’m dating. Sabi ko I’m not dating at ‘yung mga dating gustong makipag-dinner sa akin at ‘yung mga nag-aaya na mag-coffee, hindi na sila nag-text uli after lumabas ang mga kaguluhang issues lately. Dati kasi, marami. Pero okay lang naman. Trabaho at kids naman kasi ang priority ko.

“Sabi ko pa, after annulment, eh, saka ko na lang siguro iisipin ang sarili ko. Tawa nang tawa si Kris, kaya natawa na rin ako,” sey pa ni Sunshine.

Sam nasa Amerika uli para tuparin ang Hollywood dream

Former housemates sa Pinoy Big Brother sina Sam Milby at Say Alonzo.

Naging malapit talaga sa isa’t isa sina Sam at Say at may pagkakataon pa nga na may fans na nag-akalang naging silang dalawa, pero hanggang sa pagkakaibigan lang sila.

Nang binyagan ang anak ni Say na si Asher, isa sa mga ninong si Sam.

Noong Biyernes naman, bumisita si Sam sa Barrio Fiesta sa Glendale, California.

Ang nasabing restaurant at franchise ng pamilya ni Say.

May nakapagtsika sa akin na nasa Amerika si Sam para mag-audition at tuparin ang kanyang “great Hollywood dream”.

Kung matatandaan, nagpunta na noon sa Amerika si Sam para i-try ang kanyang luck sa Hollywood, pero mukhang nainip ang aktor at bumalik ng ‘Pinas at ipinagpatuloy ang kanyang career sa atin.

Ang kasama nga pala ni Sam na bumisita sa Barrio Fiesta Glendale ay ang dating aktor dito sa atin na si Ivan Dorschner na nagta-try rin ng kanyang luck sa Hollywood.

Kasama rin nila si Anna Maria Perez de Tagle na apo ni Sylvia La Torre at kilala na sa Hollywood.

AMERIKA

ANNA MARIA PEREZ

BARRIO FIESTA

INTERVIEW

LANG

ONE

SABI

SAM

SUNSHINE

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with