Ogie minsan lang sumali sa singing contest pero natalo pa!
FREELANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - March 9, 2015 - 12:00am

May bago na namang singing contest na aabangan sa TV5 na maraming twists at surprises. Pinamagatang Rising Stars Philippines, binubuo ito ng 19 episodes na eere sa March 14 hanggang May 17, 2015 hosted by Ogie Alcasid, co-host naman niya sa nasabing contest si Venus Raj.

‘‘Very funny siya at may sense of humor’’ anang Ogie sa “baklang-bakla” na si Venus.

Matapos ang initial audition nakapili sila ng 24 people. Itri-trim down nila ito sa 12 contestants at tatlo para sa Grand Finals.

Ang grand winner ay tatanggap ng kalahating milyong piso.

May ilan kaming nalaman tungkol kay Ogie kung saan sinabing hindi nito tinahak ang landas ng isang singer. Never pa siya nanalo sa singing competition.

Minsan lang siyang sumali pero natalo nang kantahin ang Dahil Sa Iyo, nakalimutan niya kasi ang lyrics ng kanta. Naging miyembro ito ng Kundirana sa La Salle.

Ang mga judges sa Rising Stars Philippines ay sina Nina, Jimmy Bondoc, Papa Jack at si Mico Aytona naman ang magiging backstage reporter ng show.

Libangan ang paglangoy ‘pag walang trabaho Angel lalong pinabongga ang swimming pool sa bahay!

Hindi lang ang magarang bahay ni Angel Locsin ang kanyang pinagaganda at pinalalakihan pa kundi gayundin ang kanyang swimming pool. Pinalitan nito ang tiles ng pool para higit pang ma­ging attractive. Libangan ng aktres ang paglangoy sa malaking pool kapag hindi abala sa kanyang mga showbiz commitment.

Sa kabilang banda, hindi lang si Angel ang excited sa nalalapit na pagtatanghal ng Darna kundi laluna ang kanyang napakaraming fans.

Nanalo na naman si Angel sa 13th Gawad Tanglaw dahil sa magaling na performance niya sa The Legal Wife.

ANGEL LOCSIN DAHIL SA IYO GAWAD TANGLAW GRAND FINALS JIMMY BONDOC LA SALLE LEGAL WIFE LIBANGAN MICO AYTONA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with