^

Pang Movies

Sunshine mayaman at maimpluwensiya raw ang ipinalit kay Cesar?!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sana manahimik na ang kampo ni Sunshine Cruz ngayong ibinigay na ni Cesar ang property na hinihingi niya. Kawawa naman ang mga anak nila na mga babae pa naman na nakakaladkad sa isyu. Hindi kaya naisip ni Sunshine ang kapakanan ng mga bata na dapat pinoprotektahan niya sa mga ganitong sitwasyon?

Gusto pa nila na ibilad ang mga kahihiyan din nila sa publiko. Naiintindihan namin si Cesar na kahit labag sa kalooban ang ginagawa ay ibigay na lang ang demand ni Sunshine para matahimik na. O baka naman hindi pa maka-move on si Sunshine. May balita kaming nasagap na may karelasyon na daw itong bago. How true? Isang mayaman daw at maimpluwensiya. Talbog!!!

Gabby hindi makalimutan ang tawag ng ama

Emosyonal si Gabby Eigenmann nang mapag-usapan ang kanyang kaarawan na first time wala ang amang namatay na si Mark Gil. Noong March 2 ang kanyang birthday at hindi niya maiwasang maalala ang ama. Noong nabubuhay daw ito ay hindi nakakalimot tumawag at bumati sa kanya. Hindi raw ito nagkulang sa pagpaparamdam ng pagmamahal sa kanila kahit may iba itong anak sa mga babaeng nakarelasyon nito.     

Apat na babae pala ang nakarelasyon ni Mark Gil kung saan may mga anak siya. Pero hindi raw itinuring ni Gabby na half brother o half sister ang mga ito tulad nina Sid Lucero at Andi Eigenmann.  ‘Yun naman daw ang bilin ng ama na magmahalan sila bilang magkakapatid. Kahit chickboy ang ama ay buo ang respeto niya rito. At naging challenge nga kay Gabby ay pagkakaroon ng amang magaling na aktor at pinipilit niya na masundan ang yapak nito sa aktingan. Kaya rin tinatanggap niya ang kahit anong role para magawa niya ang lahat ng klase. 
     Bukod nga sa Pari ‘Koy, lead role din ang gagampanan niya sa isang youth oriented show na InstaDAD na mapapanood soon every Sunday sa GMA 7 after SAS.

Maja hindi nagbago ang ugali

Ang layo na ng narating ni Maja Salvador simula nang maging close kami noong magkasama kami sa isang show niya sa Amerika.

Gayun pa man ay walang ipinagbago ang aktres sa kanyang pag-uugali pero pagdating sa akting ay kilala na ang kahusayan ng girlfriend ni Gerald Anderson.

Hindi problema kay Maja kung hindi siya ang original choice sa role niya sa Bridges of Love na pagsasamahan nila ni Jericho Rosales at Paulo Avelino. Sa March 16 na pala ito eere. Kasama rin sa cast sina Edu Manzano at Carmina Villaroel.

Star Awards inaabangan din ng mga bumabatikos

Ngayon Linggo na ang 31st PMPC Star Awards for Movies. Gaya nang nakakaraan ay maraming nag-aabang dito at kahit ang mga taong walang humpay na bumabatikos sa choices ng organisasyon sa pagpili ng mga winner.

Panay ang pintas pero nakatutok naman taun-taon. Marami ang nag-aabang sa  Star Awards at naloloka nga kami sa dami ng humihingi ng invitations para masaksihan ang awards night.

Sa Linggo ay magsisimula ang programa ng 6:00 p.m. sa The Theatre ng Solaire Hotel and Casino. Batay sa aming meeting sa management ng bagong theatre ay very strict sila sa flow ng programa at galaw ng mga tao. Hindi na puwede ‘yung mga taong palakadlakad habang tumatakbo ang flowing programa at kung ano ang nakalagay na section sa mga invitation na ipinamudmod ay doon lang sila. May mga designated doors sa bawat section sa audience ng venue.

Sina Kim Chiu, Xiam Lim, Pops Fernandez, at Iza Calzado ang mga host. Sina Charice, AiAi delas Alas,  top four ng The Voice, Kyla & JR, at ang magkapatid na Toni & Alex Gonzaga ang mga may production number.

Aabangan namin ang isusuot ni Ms. Celia Rodriguez na matagal na raw pinagawa pero ngayon pa lang niya isusuot. Alam naman natin si Manay Celia na laging pumapasok sa venue with a bang. Talbog !!! Eere nga pala ito sa ABS-CBN sa March 22 dahil sa March 15 ay Binibining Pilipinas.  

                                                                    

ALEX GONZAGA

ANDI EIGENMANN

BINIBINING PILIPINAS

MARK GIL

NIYA

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with