Iniidolong newscaster, mabagsik sa driver
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - March 5, 2015 - 12:00am

Nakatabi ng aking source ang dalawang driver na pinagtsitsismisan ang kani-kanilang amo.

Ayon sa isang driver nang unang pinatawag siya para maging amo ang iniidolong newscaster ay tuwang-tuwa siya dahil kung makikita sa panlabas na kaanyuan siya ay igagalang mo. Banayad siyang magsalita, maamo ang mukha, at laging nakangiti.

Pero ilang linggo pa lang ang nakaraan ay nakaranas na ito ng galit nang minsang mahuli sa pagpunta ng bahay ng amo. Nagpapaliwanag pa lang ay biglang nagalit ito at hindi pinakinggan ang paliwanag ng driver. Nagtitiis na lang siya sa ugali ng amo dahil mataas naman ang sahod niya at alaga pa sa pagkain.

Pambato ang newscaster ng isang major network.

Pasaway si tatay sa love hotline

Tiyak na mara­ming makaka-relate sa episode ngayong Biyernes sa Love Hotline kung saan ang tanong ay kung kaya mo bang gamitin ang karelasyon para makatakas sa pasaway mong tatay.

Si Allan Paule ang gaganap na tatay sa kanyang anak na si Kiko Estrada. Problemado ang binata dahil sa pambabastos sa nobya laluna kung ito’y lasing at nakagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Samahan sina Jean Garcia at love expert na si Aiza Caparas Tabayoyong na bibigyang linaw ang problema ng mag-ama.

Jodi-Jolo, tuloy pa rin ang relasyon

Sa ginawang pagbabantay ni Jodi Sta. Maria sa boyfriend na si Vice Gov. Jolo Revilla ay pagpapatunay lang sa tuloy pa rin ang relasyon ng dalawa kahit may haka-haka na nagkahiwalay na sila.

Nang malaman ng aktres ang aksidente ng nobyo ay sumugod agad ito sa Asian Hospital at nagbantay hanggang sa ito’y operahan.

May isa pang version na tangka itong magpakamatay gawa ng depresyon pero marami ang ayaw maniwala kabilang na kami.

AIZA CAPARAS TABAYOYONG ASIAN HOSPITAL JEAN GARCIA JODI STA JOLO REVILLA KIKO ESTRADA LOVE HOTLINE SI ALLAN PAULE VICE GOV
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with