Wattpad tuloy ang paghataw
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - March 2, 2015 - 12:00am

Hindi pa tapos ang mga episode ng Wattpad Presents ng TV5 na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, alas-9 ng gabi. Nakakailang labas na sila at very successful ang mga ito at talagang buong ningning na sinusubaybayan hindi lamang ng mga bagets kundi maging may edad na rin.

Nakita ng TV5 ang lakas ng kanilang Wattpad Presents sa lahat ng episodes kaya hindi pa rin sila hihinto ng pagsasalin sa TV ng mga istorya sa Wattpad.

This March 2, magsisimula na ang Bitter Ella na si Katrina Velarde, ang 20-year-old Bicolana look-alike ni Pokwang pero magugulat kayo sa napakagandang boses ng biretera. May screen name siyang Suklay Diva, dahil na-discover siya sa video na kumalat sa Internet habang kumakanta gamit ang suklay bilang microphone habang kumakanta ng Chandelier.

Makakasama niya rito si Phytos Ramirez na kanyang magiging leading man. Tall dark, and sooooooo handsome si Phytos! Pinay ang ermat ng new actor at Greek naman ang erpat niya. E ‘di wow!

Erich magaling magpaniwala ng mga tao

Kawawa naman pala si Erich Gonzales at talagang minumura siya ng mga masugid na manonood ng Two Wives. Sabagay, may mga taong madaling maniwala kung ano ang napapanood sa pelikula at TV. Kaagaw ni Erich si Kaye Abad kay Jason Abalos sa seryeng ito ng ABS-CBN. Akala kasi ng ibang manonood, ganoon talaga sila sa tunay na buhay. Sabi pa ni Aling Lani na kapitbahay ko, kesyo malandi si Erich at malaki raw siguro ang nota ni VJason kaya pinag-aagawan nila ni Kaye. Ay ewan! Bahala na nga kayo sa buhay ninyo!

PMPC sinisiraan kay ER?!

Sa March 8 na magaganap ang Star Awards for Movies 2015. May isang nanggugulo sa PMPC Philippine Movie Press Club) via text. Sinisira niya ang relasyon ng samahan at ng Laguna ex-Gov. ER Ejercito regarding sa pelikulang Muslim Magnum .365.

ALING LANI BITTER ELLA ERICH ERICH GONZALES JASON ABALOS KATRINA VELARDE KAYE ABAD MUSLIM MAGNUM PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB PHYTOS RAMIREZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with