^

MMFF Chairman Tolentino may kapalit na sa puwesto?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 26, 2015 - 12:00am

Sabay nang gaganapin mamayang hapon ang Appreciation Dinner ng 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) at ang launch ng 2015 MMFF, na pangungunahan pa rin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) and MMFF Chairman Francis Tolentino. Ito na kaya ang hu­ling official function niya as MMFF Chairman dahil sabi niya, magri-resign na siya sa position? Paghahandaan na raw niya ang 2016 elections na muli siyang tatakbo bilang Mayor ng Tagaytay City, his former position bago siya na-appoint na MMDA Chairman, then as MMFF Chairman too.

Sinu-sino kaya sa mga winner ng Gawad Parangal ng MMFF ang dadalo to claim their cash incentives? Sana ay dumalo ang mga top winners tulad nina Derek Ramsay, Jennylyn Mercado, Joey Marquez, Lotlot de Leon, at Ryzza Mae Dizon. Tulad ng dati, may bawas ang cash incentives nila kung hindi sila dadalo. Sa launch kaya ng 2015 MMFF sasabihin na ni Chairman Francis kung sino ang papalit sa kanya na bagong chairman?

Camile dusa sa Second Chances

May televiewers ng Second Chances ang naiinis kay Camille Prats sa role niya as Rebecca, dahil isa ito na papalit-palit ang moods kapag nadi-depress. Pero marami rin ang humahanga sa husay niya at naipo-post nila ito sa Twitter. Kaya natanong namin si Camille kung paano niya pinaghahandaan ang kanyang role? 

“Binabasa kong mabuti ang script at sa tulong na rin ni Direk Laurice Guillen nagagampanan ko nang maayos ang character ko,” sagot ni Camille. “Mahirap at very challenging ang role ko kasi grabe ang mood swings ni Rebecca. Minsan, mabait siya, maya-maya galit na siya, maya-maya iiyak na siya at sa depression ilang beses na siyang nagtangkang magpakamatay. Nakakapagod talaga at nakaka-drain kapag tuluy-tuloy ang eksena ko. It’s good na may anak na ako, nakaka-relate ako sa character ni Rebecca na ang gusto lamang naman ay makita at makapiling ang anak na ninakaw sa kanya.”

Napapanood ang Second Chances after Once Upon a Kiss.

Miguel nililigawan na rin ang lola ni Bianca?!

No wonder na mas maganda ngayon ang katawan ng 16-year-old na si Miguel Tanfelix dahil mahilig pala siya sa water sports na wake boarding. Doon sana gustong i-celebrate ni Miguel at ng leading lady niya sa Once Upon a Kiss na si Bianca Umali ang Valentine’s Day kaya lamang may taping sila. Na-packed-up naman ang taping dahil nagkasakit si Bianca. Minabuti na rin ni Miguel na ituloy ang wake-boarding niya sa Lago de Oro sa Balibago, Calatagan in Batangas, kasama ang kanyang parents. 

Pero hindi nalimutan ni Miguel na padalhan ng bouquet of flowers si Bianca noong Valentine’s Day, hindi lamang si Bianca, kundi pinadalhan din niya ng flo­wers ang lola nito na siyang nagpalaki sa teen actress, since wala na siyang parents.

APPRECIATION DINNER BIANCA BIANCA UMALI MIGUEL NIYA ONCE UPON REBECCA SECOND CHANCES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with