^

Erich binabantaan na ang buhay dahil sa ‘kamalditahan’!

- Vinia Vivar (Pang-masa) - February 26, 2015 - 12:00am

Dahil napakalakas ng impact ng role ni Erich Gonzalez bilang Janine, inamin ng aktres sa thanksgiving and farewell presscon para sa serye kahapon na nakakatanggap na siya ng mga threats sa kanyang Instagram account mula sa fans.

“First time ko pong gumanap na bida-kontrabida at ang masasabi ko, napaka-challenging ng role na Janine para sa akin dahil ang dami niyang hugot sa buhay, ang dami niyang angst,” pahayag ni Erich.

“Nung una, kimi-kimi lang siya (Janine), tahimik, tapos biglang su­mabog, naging palaban, so sa akin, mahirap siyang gawin and dumating sa punto na  grabe ‘yung manonood, sobra  silang affected sa impact ni Janine sa buhay nila, siguro marami talagang Janine in real life, (laughs), kaya maraming nakaka-relate.
“And dumating ako sa point na ‘yung Instagram ko po ngayon, naka-private na kasi nakaka-receive ako ng mga threats, minumura ako, hindi na si Janine ang tinatawag nila kundi si Erich, so parang...

“Although I understand na nadadala ang mga tao sa kwento, akala nila totoong buhay na ‘yun, pero I find it disturbing na may mga threat or pagmumura na. Kasi siyempre artista ka, hindi nila naiintindihan na ginagampanan lang nila ‘yung role, and ‘yun, parang ano lang, hindi nila ma-separate siguro,” pahayag ni Erich.

Sana raw ay maintindihan ng mga tao na hindi rin niya gusto ang mga linya niya as Janine pero kailangan niya siyempreng gawin.

“Sana, maintindihan nila na kahit ako mismo sa sarili ko, hindi ko gusto ‘yung script or ‘yung lines na ginagawa ni Janine but siyempre it’s my job, kailangan kong gawing makatotohanan ‘yung role ko,” she said.

Pero thankful naman daw siya at ang buong cast sa suporta ng manonood na talagang kumapit sa serye hanggang sa huli.

Tatlong linggo na lamang ang Two Wives at inaabangan ang magiging ending nito kung sino ang magwawagi kina Yvonne (Kaye Abad) at Janine at kung sino ang matitirang matibay sa kanila at kung kanino mapupunta si Victor (Jason Abalos).

Geoff sanay nang mag-isa

Ayon kay Geoff Eigenmann, mag-isa lang daw niyang ipinagdiwang ang Valentine’s Day dahil wala siyang love life. After her break-up with Carla Abellana ay wala pa raw siyang bagong girlfriend ulit. Hindi naman daw siya naghahanap at hihintayin na lang daw niyang kusang dumating.

Hindi ba malungkot ang walang love life?

“Okay naman. Actually, sanay akong mag-isa, eh. Kasi growing up, hindi naman ako laging in a relationship. And usually, hindi naman nagtatagal, so lagi akong may time in between, sanay ako,” say ni Geoff nang makausap namin last Tuesday sa isang pocket interview.

Medyo tahimik na ang lahat ngayon sa pagitan nila ni Carla pagkatapos nilang maging kontrobersyal dahil sa tweet ng young actress na inihalintulad siya sa demonyo last year.

Ayon kay Geoff, wala raw silang kahit anong communication ni Carla at hindi rin sila nagkukrus ng landas.

Paano kung bigyan sila ng project ng GMA-7 together?

“I doubt it, I doubt it. I doubt GMA will do that knowing what happened. Not anytime soon,” he said.

Si Geoff ay kasalukuyang napapanood ngayon sa seryeng Kailan Ba Tama ang Mali with Max Collins, Dion Ignacio, and Empress Schuck.

ALTHOUGH I AYON CARLA CARLA ABELLANA ERICH GEOFF JANINE NILA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with