Jake gusto nang ipatanggal ang tattoo!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - February 25, 2015 - 12:00am

Hanggang hindi pa binubura ni Jake Vargas ang pangalan ni Bea Binene na naka-tattoo sa kanyang kaliwang arm, nag-iilusyon pa ang kanilang fans na may balikan pang magaganap sa dating magdyowa.

Pero mukhang walang balikang naganap nu’ng nagdaang Valentine dahil hindi magkasama ang dalawa sa araw na ‘yun.

May nanghihinayang tuloy dahil nahahati raw ang fans nina Bea at Jake ngayon at nag-aaway-away na naman.

Pinag-iisipan pa raw ni Jake kung ano ang gagawin niya sa kanyang tattoo. Inuudyukan si Jake ng kanyang mga tropa na maghanap ng girlfriend na Beatrice rin ang name para hindi raw masayang ang tattoo nito. Tinawanan lang ito ng aktor.

Ang kuwento, si Bea raw ang nakipag-break kay Jake, pero ayaw nang pag-usapan ito ng aktor dahil nagsasawa na raw siya sa isyu. Kahit guwapung-guwapo sa bagong tabas na buhok si Jake, mukhang hindi pa ito naka-move on dahil ilang linggo na itong hindi sumisipot sa Sunday All Stars ng Kapuso kung saan magkasama sila ni Bea.

Totoo ba na si Kristoffer Martin ang dahilan ng hiwalayan ng magka-loveteam? Ang kuwento kasi, pinagselosan daw ni Jake ang dalawa nang minsang nagkasama sa isang lugar. May nakakita raw sa da­lawa. Panay pa raw ang tawag ni Jake that day, pero nag-deny lang si Bea.  Kaso, bago pa tanggalin ni Bea ang picture nila ni Kristoffer, nakita na ni Jake na magkasama nga ang dalawa sa Instagram (IG) account ng aktres.

Gusto raw kausapin ni Jake si Kristoffer pero ayaw ni Bea. Si Kristoffer din kaya ang dahilan kaya hindi pa rin bumabalik ng SAS si Jake dahil asar pa raw ito sa madalas pa ring bonding nila ni Bea?

Dating GF ni Kristoffer si Joyce Ching.

BEA INSTAGRAM JAKE JOYCE CHING KRISTOFFER KRISTOFFER MARTIN RAW SI KRISTOFFER SUNDAY ALL STARS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with