^

Julia inaabangan kung sino ang last dance sa debut

FREELANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - February 16, 2015 - 12:00am

Magde-debut na si Julia Barretto sa March 10 at may paghahanda nang ginagawa para sa isang engrandeng party.

Ang tatahi ng kanyang gown na susuutin ay ang Dubai-based Pinoy designer na si Michael Cinco na nagtahi rin ng wedding gown ni Ma­rian Rivera.

Marami tuloy ang nagtatanong kung iimbitahan ba nito ang kanyang ama na si Dennis Padilla. Hindi ba’t mahalagang papel ang gagampanan nito bilang kapareha ng anak sa traditional last dance?

Dahil hindi pa sila nagkakaayos na mag-ama ay may mga nagpapalagay na hindi talaga imbitado sa debut ni Julia si Dennis. Ang malaking kuwestiyon din ay kung papayagayan ng ina at dating asawa ni Dennis na si Marjorie Barretto na dumalo ito sa debut ng anak.

Geoff possessive pagdating sa pag-ibig!

Wala pa ring ipinapalit si Geoff Eigenmann sa puso niya matapos silang magkahiwalay ni Carla Abellana. Puro group date lang ang kanyang ginagawa. Kaya malamig ang Valentine’s Day nito dahil wala pa siyang nobya.

Mabuti na lang at nagsilbing therapy ang kanyang trabaho sa teleseryeng Kailan Ba Tama Ang Mali? kung saan ginagampanan ang karakter ni Leo na sweet, mapagmahal pero possessive na asawa ni Amanda (Max Collins).

Tiyak na maraming makaka-relate sa teleserye dahil kahit mabait at mapagmahal ang isang lalaki kung possessive naman ay magkakaroon din silang mag-asawa ng problema gaya ng sitwasyon sa teleserye

‘‘Sa totoong buhay ay hindi naman ako possessive dahil nakakaunawa naman ako,’’ sey ni Geoff nang minsang makausap namin.

Tiyak na maraming mensahe ang matututunan ng viewers kapag nasundan ang istoryang ito sa direksyon ni Gil Tejada.

 

CARLA ABELLANA DENNIS PADILLA GEOFF GEOFF EIGENMANN GIL TEJADA JULIA BARRETTO KAILAN BA TAMA ANG MALI MARJORIE BARRETTO MAX COLLINS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with