_pang-masa
^

INC tutulong sa concert ni Ogie?!

Joe Barameda (Pang-masa) - February 12, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang malaking hamon para kay Ogie Alcasid na mapuno ang Philippine Arena sa Bulacan para sa upcoming concert na MuSIKATin na kanyang pinangungunahan kasama ang ilang sikat na singers gaya nina Michael V, Hajji Alejandro, Vernie Varga, Jeff Pangan, Gloc9, Rey Valera, Angeline Quinto, Lovi Poe at Solenn Heussaff. Balita ko ay 55,000 ang capacity ng lugar at sa Feb 20 na ang nasabing concert. Ang Philippine Arena ay pag-aari ng Iglesia ni Cristo. Kaya sigurado ako na babak-apan ng Iglesia ang nasabing concert at kung magkaganun ay sa miyembro pa lang nila, mapupuno na ang lugar. ‘Yan ay kung oobligahan ng simbahan nila ang pagdalo sa concert na ito.

Kasama sa concert ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at si Ryan Cayabyab ang conductor. Si Gab Valenciano naman ang magsisilbing stage director na kinaaliwan ni Ogie dahil ngayon lang daw siya nagkaroon ng director na mas bata sa kanya.

Kilala kasing Vilmanian bagong manager ni Nora, pinagtaasan ng kilay!

Si Angge aka Cornelia Lee na pala ang bagong manager ng Superstar Ms. Nora Aunor. Bakit kaya naghiwalay na naman sila ni Boy Palma? Si Angge ay mas kilala as Vilmanian kaya maraming tumaas ang kilay sa pangyayaring ito. Expired na raw ang kontrata ni Ate Guy sa TV5 at si Angge naman ay konektado sa ABS-CBN. Kaya feeling ng iba ay baka sa Dos magkaroon ng bagong project ang Superstar.

Marami naman ang nagtataka kung bakit hindi napagkikita si Ate Guy. Ano raw kaya ang pinagkakaabalahan nito ngayon. Kasi noon ay maraming pahayag sa kampo niya na may mahabang pila ng movie projects siyang gagawin. Pero sa kasalukuyan ay wala kaming naririnig kahit isa. Ang huling balita sa kanya ay ang pagbabanta sa kanyang buhay dahil sa demandang isinampa niya sa kamag-anak na diumano’y ibinenta ang kanyang lupain sa Bicol. Ito kaya ang dahilan kaya hindi siya napagkikita?

Abangan.

Dion ibinulgar na may dyowa kaya imposibleng magkagusto kay Max

Bagong role ang ginagampanan ni Dion Ignacio sa bagong panghapon na teleserye ng GMA-7, Kailan Tama ang Mali. Kung noon ay pulos mahihirap ang role niya, dito ay isang mayaman at sosyal na siya. Kaya madalas daw itong nagpapatulong kay Ken Escudero sa pag-i-Ingles.
Wala naman tayong maipipintas kay Dion pagdating sa acting. Na-master na niya ang pag-arte sa bawat role na ipinagkakatiwala sa kanya. Si Dion ang isa sa original StarStruck alumni at homegrown talent ng ­GMA-7. Aminado si Dion na may non-showbiz girlfriend siya, kaya ipinahayag niya na wala siyang pagtingin kay Max Collins.

Bubble Gang mambabalahura

Sa nalalapit na Valentine’s Day ay mag-iikot daw si Mr. Assimo sa Valentine promo ng mga restaurant. Iba’t ibang pamanhikan, Valentine gags, at usapang bakla naman ang mapapanood natin ngayong Biyernes sa Bubble Gang sa GMA-7. Kaya after ng mga teleserye ay katatawanan as usual ang ating matutunghayan tuwing Biyernes ng gabi.

ANG PHILIPPINE ARENA ANGELINE QUINTO ATE GUY BIYERNES BOY PALMA BUBBLE GANG CORNELIA LEE DION KAYA SI ANGGE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with