_pang-masa
^

Aicelle maka-diyos na lalaki ang hanap

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - February 12, 2015 - 12:00am

Alone but not lonely ang drama ni Aicelle Santos ngayong Valentine’s Day. Gusto ng singer ang guy na “mas mahal si Lord.” Ito raw ang simpleng realization ni Aicelle ang isang tamang lalaki ay priority si God.

Busy muna si Aicelle sa pag-aasikaso ng kanyang birthday concert na gaganapin sa Feb. 25 sa PETA Theater sa E. Rodriguez, QC. Ito rin ang kanyang first solo concert mula nang maghiwa-hiwalay sila ng La Diva members. Hindi naman daw siya bitter sa kanyang mga dating kasama na sina Jonalyn Viray at Maricris Garcia. Okey din sa kanya na maka-duet uli ang dalawa sa mga susunod na projects.

Maganda rin naman ang naging kapa­laran ni Aicelle dahil napasama siya sa Rak of Aegis musical, kung saan nagkaroon sila ng 135 shows. Kahit sabihin pang may alternate siya sa palabas ay siya pa rin ang pinuri. Dahil din sa Rak of Aegis at lalo siyang nagkaroon ng passion sa singing at pati na raw ang pagkanta sa stage ay ninanamnam nito.

Kung meron daw uling audition ng isang musical na swak sa kanya ay hindi siya mag-aatubiling pumila at mag-audition uli.

Marami naman ang humahanga sa kanyang bagong single ngayon na may title na Kapangyarihan dahil punung-puno ng emosyon ang pagkakahagod ng singer. Napapakinggan na ito ngayon sa mga major downloading sites tulad ng iTunes.

Na-miss daw ni Aicelle ang kumanta ng ganoong klase ng song. Kasama ito sa kakantahin niya sa kanyang first solo concert na guests sina Regine Velasquez, Kyla, Gian Magdangal, at Celeste Legaspi.

Ang single niyang Kapangyarihan ay kinompose ni Jungee Marcelo. Dahan-dahan na ring kinukumpleto ni Aicelle ang mga kanta para makabuo siya ng isang album na siya mismo ang magre-release.

AICELLE CELESTE LEGASPI GIAN MAGDANGAL JONALYN VIRAY JUNGEE MARCELO KAPANGYARIHAN LA DIVA MARICRIS GARCIA RAK OF AEGIS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with