^

Pang Movies

Angelica at John Lloyd gumigimik lang?!

Vir Gonzles - Pang-masa

MANILA, Philippines - May mga nagtatanong kung may teleserye sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz dahil nag-iingay sa isang magkasalungat na pahayag ang dalawa. Sabi ni Angelica, malapit na silang magpakasal. Sabi naman ni Loydie, wala pang kasalang magaganap. May movie kaya ang dalawa na ipapalabas ngayong taon? Para naman kasing it’s so unfair for Angelica dahil minsan na ring nabanderang ikakasal kay Derek Ramsay pero drawing lang pala. Sabagay, nasa tamang edad na naman ang dalawa.

Mylene sobrang kinakawawa sina Manilyn at Bianca

Mistulang produced ng dating Sampaguita Pictures ang Once Upon A Kiss ng tambalang Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Palagi ka­sing pang-aapi sa mahihirap ang ipinakikita sa mga eksena. May nakokomento pa ngang tagahanga na hindi bagay api-apihin ni Mylene Dizon si Manilyn Reynes dahil ang taba-taba nito at mas mukha pang maputi ang kutis kahit nagtitinda lang ng turon!

In fairness sa aktres, magaling magkontrabida si Mylene. Pero para raw OA ang pang-aapi kina Manilyn at Bianca Umali.

Dating actress-singer na si Mildred Ortega sobrang relihiyoso

Nag-tender ng party ang dating actress-singer na si Mildred Ortega sa Barrio Fiesta para sana sa balikbayang si Nap Alip at pamilya nito. Ang problema, hindi nakarating si Nap sa hindi malamang kadahilanan.

Wala pa ring kupas ang beauty ng dating star ng Lea Productions at kabiyak sa puso ni Gen. Templo. May dalawa silang anak na lalaki, isang abogado at guro pero ngayon ay member ng isang banda. Mana kay Mildred ang anak dahil maganda ang boses nito.

Napaka-religious pala ni Mildred dahil tuwang-tuwa noong bigyan namin ng pink rosary ni Pope Francis.

Matindi ang paniniwala niya kay Padre Pio dahil marami na raw pinaga­ling ito.

Sa rami ng mga artistang na interbyu namin, si Mildred lang yata at pamilya niya ang no wonder nagdarasal at nagrorosaryo sa gabi. Blessed in life.

Parang hulog ng langit Caridad hindi malimot ni Mildred sa ginawang kabutihan

May kuwento rin si Mildred na hindi malilimutan sa pamosong character actress na si Caridad Sanchez. Minsan daw ay naisipang kumain sa labas ni Mildred. Namutla daw siya noong maalalang naiwan pala niyo ang wallet sa isa niyang bag. Naisip agad ni Mildred na tiyak na maghuhugas siya ng mga plato sa restaurant.

Para raw hulog ng langit, dumating si Tita Caring at lumapit sa kanila at nakipag-beso-beso pa at sinabi raw nito na sagot niya ang kinain nila. Kulang na lang daw sumigaw sa tuwa at pasasalamat ang magandang actres-singer.                                                                                                   

 

ANGELICA PANGANIBAN

BARRIO FIESTA

BIANCA UMALI

CARIDAD SANCHEZ

DEREK RAMSAY

JOHN LLOYD CRUZ

MILDRED

MILDRED ORTEGA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with