_pang-masa
^

Jasmine itinangging nasapawan na niya si Eula sa TV5

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - February 7, 2015 - 12:00am

Pinabulaanan ni Jasmine Curtis-Smith na paborito siya ng TV5 kaya siya lang ang parating may project sa mga female stars ng naturang network.

Sey ni Jasmine na wala raw gano’n sa Kapatid Network dahil pantay-pantay ang trato sa kanilang lahat. Nagkataon lang na meron siyang weekly show na Move It: Clash of the Street Dancers at ang magsisimula ng Wattpad Presents: A House Full of Hunks.

“As far as the network is concerned, lahat naman po kami, we all have different projects.

“Hindi naman po ako favorite. It just so happens na after Move It started, heto naman ang Wattpad Presents episode ko.

“Tsaka hindi naman po ako parating nabibigyan ng sunud-sunod na projects. The last series I did was Undercover and that was in 2013 pa. I did Jasmine but last year pa siya natapos.

“The very last show I hosted was SPINNation and that ended last year din. Tapos ‘yung first Wattpad episode ko was also last year.

“Kaya there are months din na wala akong ginagawa for TV5.”

Naintriga pa tuloy ang kapwa Kapatid star niyang si Eula Caballero na nai-insecure sa kanya.

“That is not true because Eula is a very good friend. We always keep in touch and share a lot of girl talk.

“And knowing Eula, she is not an insecure person. Magaling siyang artista and TV5 has big plans for her naman.

“And kami ni Eula, we’re very, very okay. Friends kami niyan and she knows how much I love her being my friend,” ngiti pa ni Jasmine.

At kahit na sobrang busy sa kanyang career si Jasmine, hindi naman niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral. Currently enrolled si Jasmine sa online campus ng Swinburne University in Australia taking up Behavioural Science.

Ken hirap maging masama

Nahihirapan nga sa kanyang kontrabida role ang Kapuso hunk na si Ken Alfonso sa afternoon teleserye na Kailan Ba Tama Ang Mali?

Palangiti kasi si Ken at ang papel niya bilang kaibigan ni Dion Ignacio sa teleserye ay dapat mukha siyang supladong rich boy.

“Mahirap po pala ang maging kontrabida,” tawa pa niya.

Hindi nga lang ang teleserye ang exposure ngayon ni Ken dahil every Sunday ay nagpe-perform siya sa Sunday All Stars at maghu-host na siya ng sarili niyang travel show titled Touch Down sa GMA NewsTV.

Pero inamin ni Ken na more than being an actor and a TV host, first love nga raw niya ang kumanta. Kaya kapag wala nga raw siyang taping, panay ang ensayo niya sa pagkanta.

“May ni-record din kami ni Venus Raj na cover version namin ng All Of Me ni John Legend. ‘Yung music video namin ay naka-upload sa YouTube.

“Mas enjoy talaga ako sa singing kasi nailalabas ko ‘yung mga emotions ko. But acting is also another good way of expressing yourself.”

May big endorsement na nga si Ken at ilu-launch na ito sa May. At pipirma na rin siya ng isang movie deal sa isang major film studio.

Kapatid ni Paris Hilton nanggulo na naman sa loob ng eroplano

Sumuko na sa federal authorities ang kapatid na lalaki ni Paris Hilton na si Conrad Hilton III pagkatapos nitong gumawa ng gulo sa loob ng isang international flight.

Naka-release siya on an unsecured bond amounting to $100,000 at mayroon siyang order to appear for arraignment on March 5 at kailangan ituloy nito ang kanyang mental health treatment.

Nangyari na nga ang ganitong gulo last July 2014 sa Los Angeles nang magpakita ng erratic behaviour si Conrad habang sakay ng isang international flight.

Ang complaint nga kay Conrad ay “assaulted and intimidated flight attendants and lessened the ability of the flight attendants to perform their duties.”

Nito lang nakaraang February 4 ay muli na namang nanggulo si Conrad sa loob ng eroplano. Sinasabihan niya ng “f**k off” ang mga passengers at flight attendants.

Pumasok pa raw ito sa bathroom at biglang na­ngamoy weed ang loob nito. Tapos ay nagsisisigaw ito sa mga flight attendants.

“If you wanna square up to me bro, then bring it and I will f--king fight you and I am going to f--king kill you.         

“I could get you all fired in 5 minutes. I know your boss! My father will pay this out. He has done it before. Dad paid $300k last time!”

Noong makatulog nga raw si Conrad, nilagyan na ito ng handcuff at ikinabit nila ito sa kanyang airline seat bago mag-land ang eroplano.

A HOUSE FULL OF HUNKS CONRAD EULA MOVE IT PARIS HILTON WATTPAD PRESENTS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with