Luis nagpaalam na sa tatay ni Angel na pakakasal na sila?!
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - February 6, 2015 - 12:00am

Inamin ni Luis Manzano na napag-uusapan na rin nila ang kasal ng nobyang si Angel Locsin pero isa­santabi muna dahil may pinagkakaabalahan pa silang trabaho. Sinabi pa ni Luis na hindi siya nakikipagkarerahan sa mga ikakasal sa taong ito.

Minsan ay nadalaw ako sa bahay nila Angel at tinanong ang daddy nito kung nagpaplano na bang pakasal sina Luis at Angel.

Sagot ni Daddy Angel ‘‘Oo pero kung itatanong mo kung kailan sec­ret,’’ sabay tawa nang malakas ng daddy ni Angel.

Basta’t ang mahalaga botong-boto ang ama ng aktres kay Luis bilang manugang dahil mabait ito at responsable. Hanga na siya kay Gov. Vilma Santos dahil sa ganda na pagpapalaki nito sa anak.

PLDT ka asenso, malaking tulong 

Natutuwa kami dahil isa kami sa nanalo sa pa-raffle ng PLDT KaAsenso-Cyberya mini internet café negosyo. Nagpapasalamat kami sa bossing ng PLDT Asenso na si Gary Dujali sa magandang pagkakataon na ipinagkaloob sa aming apat na nanalo. Malaking tulong ito sa aming dagdag na pangkabuhayan.

Kahit isang unit lang ay tiyak na dudumugin ito ng mga bata. Idinagdag niya na huwag mangamba sa taas ng bayad sa kuryente dahil sobrang tipid nga nito kung saan mga P500.00 per month lang ang ibabayad.

Hindi na rin kailangan ang business permit kundi sapat na ang barangay permit.

ANGEL LOCSIN ASENSO DADDY ANGEL GARY DUJALI LUIS LUIS MANZANO VILMA SANTOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with