Luis gustong magtira ng para sa sarili kaya ayaw makasama sina Angel at Gov. Vi sa pelikula
- Vinia Vivar (Pang-masa) - February 2, 2015 - 12:00am

Nagpaliwanag na si Luis Manzano kung bakit niya tinanggihan ang movie offer ng Star Cine­ma na dapat sana’y pagsasamahan nilang tatlo ng mommy niyang si Batangas Governor Vilma Santos at girlfriend na si Angel Locsin.

Ayon sa actor/TV host, ayaw naman niyang maging masyadong personal na ang lahat maging sa kanyang trabaho.

“What really happens is parang masyadong per­sonal na sa akin ‘yung proyekto na ‘yun. The way I see it, gusto kong magtira para sa sarili ko.

“’Pag nagawa namin ‘yung novelty of me wor­king with Angel, I would gladly do it na medyo episodic type, kung commercial man ‘yan or MMK (Maalaala Mo Kaya) pero ‘pag ginawa mo na ‘yun sa isang pelikula na kasama ko na talaga ang mommy ko at girlfriend ko, parang masyado ko naman nang nilatag ang buhay ko sa showbiz. Ayoko naman nu’n. Magtitira ako sa sarili ko,” he said.

Regine pinaghahanda si Dingdong sakaling magbuntis na si Marian

Pinayuhan ni Regine Velasquez si Dingdong Dantes na maging ready sakaling magkaroon na sila ng anak ng misis na si Marian Rivera.

“Sabi ko, mag-ready ka pagka naging mommy na ‘yang asawa mo, because she will be different,” kuwento ni Regine.

Ang ibig sabihin ni Asia’s Songbird, baka ang maging priority na ni Marian ay ang anak nila at hindi na ang asawa dahil siya raw, up to now ay tina-try niyang i-prioritize ang mister na si Ogie Alcasid kaysa sa anak na si Nate dahil ‘yun daw ang dapat.

Magkakaroon si Regine ng Valentine concert with Lani Misa­lucha, Gary Valenciano, and Martin Nievera titled Ultimate on Feb. 13 and 14 sa Mall of Asia Arena.

Mark hindi nauubusan ng trabaho sa TV5

Isa na nga sa masasabing Prinsipe ng TV5 si Mark Neumann dahil hindi siya nawawalan ng project at la­ging binibigyan ng leading role. Paborito siyang gawing bida sa Wattpad Presents na mini-series ng Kapatid network.

Ang una niyang Wattpad series na Mr. Popular Meets Nobody with Shaira Mae dela Cruz ay nag-hit kaya naman binigyan sila ng book 2 nito.

Ngayon, sa bagong season ng Wattpad Presents ay bibida na naman ang Shark (Shaira and Mark) loveteam sa I’m In Love With a Dota Player na magsisimula na ngayong Monday, Feb. 2 at 9 p.m.

 

ANGEL LOCSIN BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS DINGDONG DANTES DOTA PLAYER FEB GARY VALENCIANO IN LOVE WITH LANI MISA WATTPAD PRESENTS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with