^

Pang Movies

Direk Paul nagbunga ang Pagtitiyaga kay Toni, kasal planado na!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi pala matanggap ni Alex Gonzaga na ikakasal na ang kanyang kapatid na si Toni sa boyfriend nito na si Paul Soriano.

In denial si Alex pero wala na siyang magagawa dahil wala nang atrasan ang pagpapakasal nina Toni at Paul.

Nasa legal age na ang dalawa para lumagay sa tahimik. Thirty-one years old na si Toni at ideal age ito para mag-asawa na siya.

Bilib ako sa mga magulang nina Toni at Alex dahil nanindigan sila na kung talagang mahal si Toni ni Paul, makapaghihintay ito.

Hindi na masama ang pitong taon na paghihintay ni Paul kay Toni. Sa panahon ngayon, bihira na ang lalake na katulad niya na maghihintay nang ganoon katagal.

Getting married ngayong 2015 sina Toni at Paul. Sila ang sagot ng ABS CBN sa well-publicized wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

I’m sure, hindi papayag ang ABS CBN na hindi magkaroon ng TV wedding special sina Toni at Paul.

Marian aminadong natanggal ang mga tabang naipon sa kanilang honeymoon

Aminado si Marian Rivera na tumaba siya nang mag-honeymoon sila ni Dingdong Dantes sa Europe.

Panay kain at pahinga lang kasi ang ginawa nila kaya natural na nadagdagan ang kanilang mga timbang.

Pero nang magbalik-Pilipinas sila, bumalik din ang old weight ni Marian na mabilis magpapayat kahit hindi mag-diet o mag-exercise.

Ang bagong teleserye na pagbibidahan niya ang pi­nag­hahandaan ni Marian. Ang sabi ng isang nakausap ko, maganda at kakaiba ang kuwento ng bagong teleserye ni Marian sa GMA 7.

Grace may malasakit sa fallen 44 kahit walang dugong Pinoy 

Type ko na si Grace Lee dahil sa kanyang intelligent reply sa tweet ni Leah Navar­ro.

Agree ako sa sinabi ni Grace Lee na “There is only one head of the state. Only one commander in chief! You CANNOT compare the value of his presence to the presence of any ordinary citizen then use it against them when they voice out their frustration and anger!”

Walang Pinoy blood si Grace at natu­ri­ngan siya na ex-dyowa ni P-Noy pero hindi siya nag-atubili na sagutin ang pagtataray ni Leah sa mga bumabatikos sa pangulo ng Pilipinas dahil sa hindi nito pagpapakita sa arrival honors para sa Fallen 44 ng PNP-SAF.

Imposible na hindi natauhan si Leah sa pagpatol sa kanya ni Grace Lee. Mabuti pa ang isang Koreana, nagpakita ng pagmamahal at pagpapahalaga sa mga hindi niya kababayan.

Mahihirapan si Leah na ipagtanggol si P-Noy dahil ma­tindi ang tampo na umiiral sa puso ng mga Pilipino. Mas makabubuti na ma­nahimik muna siya kesa banggain niya ang naghihimagsik na kalooban ng mga tao na affected sa nangyari sa Fallen 44.

Sakit at hinanakit ng SAF troopers damang-dama

Na-teary eyed na naman ako nang mapanood ko sa TV ang pakikipagkita ni DILG Secretary Mar Roxas sa SAF Troopers sa Camp Bagong Diwa.

Ramdam na ramdam ko ang sakit at hinanakit sa puso ng SAF Troopers sa pamahalaan dahil sa nangyari sa kanilang mga kasamahan.

Nakakaiyak ang pagkanta ng SAF Troopers ng Lupang Hinirang dahil  tagos sa puso  ang lyrics na “Ang mamatay nang dahil sa’yo!”

 

ALEX

DAHIL

DINGDONG DANTES

GRACE LEE

LEAH

MARIAN RIVERA

TONI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with