Luis at Angel once a week na lang nagkikita!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 1, 2015 - 12:00am

Laging masayang kausap si Luis Manzano, solo interview man o sa presscon, like nang i-launch siya as the official endorser ng Puregold Perks Card.  Ipinaliwanag ni Luis na ang said card ay may special privilege para sa shoppers sa Puregold para makaipon sila ng points at later makakuha ng rewards, tulad ng pagkakaroon ng sariling sari-sari store, ang Tindahan ni Aling Puring.  Bukod sa limang taon na raw silang nagho-host ng daddy niyang si Edu Manzano ng mga conventions and events ng Tindahan ni Aling Puring, ayon kay Antonio delos Santos, Puregold operations manager, karapat-dapat siyang maging endorser nila dahil isa raw si Luis sa pinaka-successful na artista ng kanyang gene­ration. Marami na siyang tinanggap na awards both as an actor and as a host, at bilib na bilib sila sa pagiging professional ni Luis sa trabaho.

Naikuwento ni Luis na may bago na siyang career, isa na rin siyang singer ngayon.

“Hindi ko naisip na in my entire career, mabibigyan ako ng chance na kumanta ng isang jingle,” natatawang wika ni Luis. “Alam naman ninyong hindi ako talaga marunong kumanta. Nang nagri-recording na kami, sabi nila sa akin: ‘Luis seryosohin mo naman,’ sagot ko, ‘kanina pa ho ako ser­yoso.’ Hindi ko in-expect na ganoon ang magiging feedback sa social media, good and bad comments, at nagpapasalamat ako sa kanila.”

Pero magiging very busy na naman si Luis ngayon kahit malapit nang matapos ang hinu-host niyang singing search ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines dahil soon ay magsisimula na siyang mag-taping ng game show na Kapamilya Deal Or No Deal na magiging daily na at sabi’y siyang ipapalit sa Bet On Your Baby sa hapon.  May isa pa siyang gagawing game show for a big company kaya everyday ay mapapanood siya on TV.  Kaya wala na raw siyang time para guma­wa ng isang pelikula, tulad nang inio-offer ni Direk Wenn Deramas na pagtatambalan daw nila ni Alex Gonzaga. Pero wala pa raw namang formal offer, nabanggit daw lamang sa kanya, pero kung itutuloy, hindi niya alam kung paano pa siya makakasingit ng schedule ng shooting.  Paano pa sila nagkikita ng girlfriend na si Angel (Locsin)? Puwede raw naman kahit one or two times a week. Nagkakaintindihan daw naman sila ni Angel, na alam kung gaano siya ka-busy ngayon. 

For updates daw tungkol sa kanya at sa Puregold, visit the Puregold page on Facebook and @puregold­_ph sa Twitter at Instagram.

Jessica mamimigay ng mga hindi na niya ginagamit na damit

Nag-post ang programang Kapuso Mo, Jessica Soho sa kanilang Facebook account ng panawagan sa mga kababaihan na nanga­ngailangan ng damit, dahil ilan sa mga suits at wardrobe ng host na si Jessica Soho ay ipamimigay niya nang libre.  At sa libu-libong nagpahayag ng interes na nais nilang mapasakanila o sa kanilang mga mahal sa buhay ang naturang mga damit, may mga napili na ang multi-awarded broadcast journalist.  Mamaya sa programa sa GMA-7 at 7:30 p.m. kilalanin sinu-sino ang napili na sinurpresa pa ni Jessica nang personal pa niyang dinala ang mga damit sa kanila.

ALEX GONZAGA ALING PURING BET ON YOUR BABY JESSICA SOHO LUIS PUREGOLD SIYANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with