Luis hindi pa rin nakakapag-decide kung kakandidato sa 2016, mas may linaw pa ang kasal nila ni Angel
- Vinia Vivar (Pang-masa) - January 31, 2015 - 12:00am

Si Luis Manzano ang bagong endorser ng Puregold at kahapon ay nagkaroon siya ng mala­king press launch na ginanap sa Luk Foo Restaurant sa Araneta Ave. Ang unang tanong sa actor/TV host ay kung ang talent fee ba niya ay isang branch ng Puregold.

Natawa si Luis at say niya, “híndi eh, ipinagpipilitan ko na nga ang sarili ko sa whole family na kung pwede ba ‘yung tf ko na lang eh isang branch pero hindi talaga eh, hindi kaya, eh,” sabi ni Luis.

Pero siyempre, gusto niya na magkaroon din ng branch ng Puregold.

“When I was hosting Tindahan ni Aling Puring, I got to witness first hand kung gaano karaming tao ang natutulungan ng Puregold, nakita ko kung ga­ano karami ang guminhawa ang buhay. This is not because  I’m speaking here as an endorser. I got to witness it first hand na ang dami nilang buhay na natulu­ngan, and if I would be a medium to help people, then who would say no to them,” he said.

Ang isang malaking inaaba­ngan ngayon kay Luis ay ang big announcement niya kung tatakbo ba siya talaga o hindi. At kahapon ay isa rin ito sa nalinaw sa kanya.  Pero ayon sa TV host/actor ay hindi pa siya nakakapag-decide.

“Very soon. Nauusog lang. Once again, nag-usap kami ni Tito Ralph (Recto, his stepfather), I think it was his birthday, noong first week ng January, I was in Alabang with my family, nung later part in the evening, napag-usapan nga namin that we have to talk again first,” sabi ni Luis.

Sa ngayon ay 50-50 pa rin daw.

“One foot is in yes, one foot it is no. The question is which foot moves to the other side.”

Another much-awaited part sa kanyang buhay ay kung kelan ba sila magpapakasal ni Angel Locsin lalo pa nga’t noon pa niya sinasabi na he’s not getting any younger.

Inamin naman ni Luis na napag-uusapan na nila ni Angel ang kasal. Nasa point na nga raw sila na pati kung sino ang gusto nilang kumanta sa wedding ay napag-uusapan na nila.

“We’re starting to have a clearer picture. Things are getting clearer sa future namin,” he said.

Pero wala pa raw talagang date. Pero at least naman daw ay napag-uusapan na.

Regine baby boy uli ang gustong anak

Gusto na talagang sundan ni Regine Velasquez ang panganay nila ni Ogie Alacasid na si Nate. Kahit nga raw  ang mister niya ay gusto na rin at napag-usapan na nila ito.

“We really want to. Kasi nga, sobra kaming nage-enjoy kay Nate, eh lumaki na rin,” say ni Regine nang makausap namin kahapon sa pocket presscon for Ultimate concert nila nina Martin Nievera, Gary Valenciano and Lani Misalucha na gaganapin on Feb. 13 and 14 sa Mall of Asia Arena.

Aware naman ang Asia’s Songbird na at her age ay nahihirapan na siyang magbuntis at willing naman daw sila na mag-resort sa ibang methods tulad ng invitro fertilization. Noon pa naman daw ay open na sila sa ganung bagay, noong time pa na hindi pa siya nabubuntis kay Nate.

“We were really open to it before pa, kasi nga parang “jonders (matanda)” na. As a matter of fact, the year that I got pregnant, ‘yun ang plano namin,” kwento ni Songbird.

Luckily, bigla siyang nabuntis the natural way kaya  siyempre happy sila and everybody was happy for her.

Ayon naman daw sa OB gynecologist niya ay bagets pa ang kanyang sinapupunan.

Kung sakaling magkakaanak pa sila ulit ay boy pa rin daw ang gusto niya dahil ang sweet daw ng boy. Saka may anak na girls na rin naman daw si Ogie na anak nga nito sa dating asawang si Michelle Van Eimeren.

DAW KUNG LEFT LUIS PERO PUREGOLD
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with