Andi aminadong mas maldita sa anak
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 26, 2015 - 12:00am

Hindi na sinagot ni Andi Eigenmann ang sinabi ng kanyang mommy na rebelde siyang anak, kaya hindi na humaba ang isyu.

Taliwas naman ang kabaitan ng apo ni Jaclyn Jose na si Elle na hindi maikakailang source of joy din ng kanyang lola.

Kaya proud mommy si Andi na kahit daw spoiled sa lahat ng gusto ang 3 years old na anak ay aminadong mas mabait si Elle sa kanya.

Kapag nagsa-shopping nga ang mag-ina ay lagi niyang sinasabi kay Elle na puwede niyang bilhin ang lahat ng gusto nito mapa-dress or toys. Pero lagi raw tumatanggi si Elle.

“I’m okey with one,” na sagot daw palagi ng kanyang cute at napakagandang anak na kuwento ni Andi sa isang interview.

Wish naman ng aktres na magtuluy-tuloy na ang happiness at blessing na hatid ng 2015 sa kanilang mag-ina at sa kanyang career.

John natural ang acting

Mahusay naman si Edgar Allan Guzman sa kanyang pag-arte sa Maalaala Mo Kaya last Saturday sa ABS-CBN. Hindi lang match ang makisig niyang katawan kung saan pumuputok ang kanyang muscles sa mga suot niyang damit pambabae. Nagpipilit din siyang magpaka-girl sa mga eksena nila ni John Spainhour.  Pero hindi naitago ang kanyang pagiging brusko kaya mas nagmukha pa siyang macho sa anggulo nila ni John sa TV drama ng ABS CBN. Sana kahit nagawa man lang mag-trim down ng katawan si Edgar sa kanilang eksena. Mas agaw pansin pa ang kaguwapuhan ni Mr. World Philippines na in fairness sa hunk/model ay natural ang kanyang acting.

Marami tuloy nagwi-wish na netizens na masundan pa uli ng maraming exposure si John sa Kapamilya Network. Nami-miss na rin kasi ito sa mga episode ng Kris TV na kinakikiligan ng televiewers. Bagay daw kasi na ginagawa ni Kris Aquino na bodyguard si John sa kanyang morning TV show.

ANDI ANDI EIGENMANN EDGAR ALLAN GUZMAN JACLYN JOSE JOHN SPAINHOUR KANYANG KAPAMILYA NETWORK KRIS AQUINO MAALAALA MO KAYA MR. WORLD PHILIPPINES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with