Pagho-host sa pinakamalaking talent show sa Asia nasungkit nina Marc Nelson at Rovilson Fernandez
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 25, 2015 - 12:00am

Tuloy na tuloy na nga ang Asia’s Got Talent at ang mga napiling maghu-host ng naturang Asian franchise ng naturang reality-talent contest ay sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez.

Ang judges nito ay sina Grammy winner David Foster, Melanie C of Spice Girls, Indonesian rock icon Anggun at ang Taiwanese-American actor-singer na si Vanness Wu ng grupong F4.

Sa AXN Asia Channel eere ang Asia’s Got Talent at kung matatandaan ay sumali sina Marc at Rovilson sa The Amazing Race Asia Season 2 noong 2008 at nag-third place sila sa final race nito sa Singapore.

Parehong male models at naghu-host ng TV shows at ng mga event sila Marc at Rovilson.

Kasalukuyang host si Rovilson ng GMA NewsTV program na Ang Pinaka.

Nag-post si Rovilson sa kanyang social media accounts ng simula ng kanilang trabaho ni Marc sa Asia’s Got Talent. Matagal raw nilang isinekreto ito, pero ngayon ay puwede na nilang mai-announce officially.

Heto ang post niya:

“It’s Happening. I’m proud and honored to be co-hosting with my bro @marcnelson, the Biggest Talent Show in the World Asia’s Got Talent. We are blessed to have onboard as judges, @melaniecmusic, @____________v____________ , @anggun_cipta & the legendary @officialdfoster! Such a dynamic and absolutely entertaining team to watch! Dozens of countries represented and mind-boggling acts that will tug at all your emotions. Trust me. THANK YOU to all who helped us get here. We are forever grateful(Serena we did it!)

Eula hindi na nabibigyan ng serye, sa weekly show na lang nakakasama

Matagal ngang hindi nakapagbida ang TV5 Princess na si Eula Caballero sa isang teleserye. Pero naging suki naman siya ng top-rating weekly show ng Kapatid network na Wattpad Presents.

Nakatatlong beses na ngang magbida si Eula sa Wattpad. Una ay sa Almost A Cinderella with Carl Gueverra at pangalawa ay Just For A While with Martin Escudero.

Nitong nakaraang week ay nakasama naman niya si Bret Jackson sa Trip In Love Or Fall In Love.

Hindi ba nami-miss ni Eula ang gumawa ng teleserye? Dahil nagbida na siya noon sa Cassandra: The Warrior Angel at sa suspense-thriller series na Third Eye?

“Siyempre naman po, miss ko ang gumawa ng mga ganyan. ‘Yung last regular show ko kasi was a sitcom, ‘yung One Of The Boys.

“Okey lang naman kasi na­ging suki na nga ako sa Wattpad Presents. At least paiba-iba ako ng characters, unlike sa teleserye na iisa lang ang character mo.

“Pero wish ko na magkaroon ulit ng teleserye ang TV5. Ngayon kasi, mas gusto nila ng mabilisang shows lang. Mas praktikal nga naman kung ganito.

“Kahit for one week lang, maganda naman ang ratings ng Wattpad Presents kasi marami siyang mga fans online at talagang binabasa nila ang mga paperback edition ng mga stories ng Wattpad.”

Pasaway talaga: Anak ni Will Smith sumali sa Free the Nipple campaign

Sumali sa Free the Nipple campaign ang 14-year-old daughter nina Will Smith at Jada Pinkett-Smith na si Willow Smith.

Nag-post si Willow sa kanyang Instagram (IG) account ng ‘topless’ photo kaya marami ang nag-react tungkol dito. Hindi naman talaga nakahubad ang dalaga, ang suot lang nitong top ay may print ng hubad na katawan ng babae na kita ang nipples.

Hindi na nga bago si Willow sa kontro­bersya dahil noong nakaraang taon ay nag-post ito ng photo na kasama niya sa isang kama ang actor-friend niyang si Moises Arias.

“Just don’t pollute something that’s not dirty. It’s really tough. I feel like the connection to the value of women on a bigger scale has decreased tremendously. Even though you look and go, ‘Women have so many opportunities,’ it’s like, ‘Yeah, but at what cost?’

“Are women valued for being women, or are women valued when they have more masculine qualities? Men and women encompass both female and masculine energies, but it seems like when the feminine is present, it’s not respected,” sey pa ni Willow sa kanyang interview with Net-a-Porter.

Ang ibang celebrities pa na sumusuporta sa Free The Nipple campaign ay sina Miley Cyrus, Scout and Rumer Willis at Chelsea Handler.

ALMOST A CINDERELLA AMAZING RACE ASIA SEASON ANG PINAKA ASIA CHANNEL EULA GOT TALENT ROVILSON WATTPAD PRESENTS WILL SMITH
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with