Zsa Zsa hanggang live in muna sa BF, kasal hindi na iniisip
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - January 24, 2015 - 12:00am

Walong buwan na ang relasyon nina Zsa Zsa Padilla at ang kanyang bf na si Conrad Onglao. Nagsasama na sila ng bahay. Pero hindi muna prioridad ng aktres ang pagpapakasal dahil naniniwala siya na mas mahalaga pa rin ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan, kalakip ang respeto, at ang pagpapahalaga.

Matagal ding nagsama si Zsa Zsa at ang yumaong comedy king na si Dolphy pero matibay ang naging pagmamahalan ng dalawa.

Ang prioridad ni Zsa Zsa ngayon ay ang pagiging lola at gusto nang magkaapo sa anak na si Karylle. Kaso gusto muna ng mag-asawa na mag-enjoy sa kanilang pagsasama kaya hindi pa naiisip magkaanak.

Problema ng inang ayaw nang kilalanin ng anak, naging mainit ang usapan

Maraming naka-relate sa kuwento ng pag-ibig sa Love Hotline noong Bi­yernes kung saan tungkol ito sa ina na abandonada. Ang katanungang sinagot ay kung iiwan ang lalaking mahal mo para sa mga anak mong ayaw naman sa iyo.

Kuwento ito ni Josephine Villanueva na inabandona ang kanyang mga anak na sina Angelica at Angeline. Nang ito’y mabalo iniwan niya ang mga anak sa Bulacan para pumunta ng Maynila at magtrabaho.

Pagkalipas ng tatlong taon ay binalikan niya ang mga anak pero ayaw na nilang sumama dito dahil sa bagong boyfriend ng ina nila na si Enrico.

Maganda ang naging payo ni Jean Garcia at Aiza Tabayoyong kung saan nabigyang linaw ang pagkakaintindihan ng mag-ina.

John Lloyd, prioridad pa rin ang career

Kung nagpakasal na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at magpapakasal na sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero ay tinanong naman si John Lloyd Cruz kung kailan naman sila magpapakasal ni Angelica Pa­nganiban. Sagot ng aktor ay prioridad pa rin nito ang trabaho at malabo pang pakasalan ang girlfriend na si Angelica Panganiban.

AIZA TABAYOYONG ANGELICA PA ANGELICA PANGANIBAN CHIZ ESCUDERO LEFT ZSA ZSA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with