Pope Francis maraming binago ang pananaw sa buhay!
Vir Gonzales (Pang-masa) - January 23, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Kinilabutan kami at muntik mapaiyak noong makita namin ng personal si Pope Francis sa may España St. sa UST (University of Santo Tomas). Basang-basa kami sa ulan, pero wala kaming pakialam basta maabangan lang namin ang pagdaan niya. Naka­kabingi ang sigawan ng mga tao habang dumaraan siya sa harap namin.

Biglang nagbago ang pananaw namin sa buhay, at para kaming na-inspire.

Super saya namin noong oras na ‘yon ang nakakawindang lang, habang dumaraan na ang Pope ay biglang na-low batt ang tablet computer namin. Pero okey lang, at least nakita namin siya nang personal!

‘Pagbubuntis’ ni Julia nakatulong sa pelikula nila ni Gerald

Nakatulong sa isang banda ang pagkalat ng maling balita noon na buntis si Julia Montes. May bago kasing movie ang batang aktres katambal si Gerald Anderson. Balitang sweet sina Julia at Gerald sa Halik sa Hangin at bagay na ikinababahala kung magseselos si Maja Salvador. Malinaw namang sinabi noon ni Julia, ayaw niyang ma-link sa kapwa artista. Hindi nga ba’t natukso rin siya kay Coco Martin noon?

Charee Pineda iniwan na ang showbiz, mas gustong maging kagawad?!

Nasaan na ba si Charee Pineda na umani ng papuri noon sa mga nagawang niyang serye sa GMA? May mga nagkukuwentong abala na si Charee sa pagiging kagawad.

                                             

CHAREE PINEDA COCO MARTIN GERALD ANDERSON JULIA JULIA MONTES MAJA SALVADOR NAMIN POPE FRANCIS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with