Onemig dinaing ang pagiging makasarili ng ina ng mga anak
Roland Lerum (Pang-masa) - January 22, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Paborito namin noon si Onemig Bondoc nang bigla itong mamahinga sa showbiz at nag-iba ng career. Pagkatapos, nabalitaan na lang namin na nag-asawa na ito.  Seven years na pala sila ni Valerie Bariou, ang babaeng pinakasalan niya kung saan may dalawa siyang anak.

Sa interview kay Uno sa Startalk, sinabi niyang makasarili ang kanyang misis. Puro pansariling kapakanan lang daw ang ginagawa nito. Napapabayaan na siya at ang dalawa nilang anak. Ayon pa sa dating aktor, sa first two years pa lang ng kanilang pitong taong pagsasama, naramdaman na niya ang pagiging makasarili ng asawa.  Basta na lang daw itong gumagawa ng sariling lakad na madalas, hindi pa niya alam kung saan ito pumupunta. At ito ang madalas nilang pagtalunan.

Naghain na sa korte si Onemig ng Sole Child Custody at Temporary Protection Program laban sa misis niya. Ang alam namin, ginagarantiya ng korte na mapunta sa ina ang mga bata sa kanilang paglaki. Pero natuklasan namang walang trabaho ngayon si Valerie kaya paano niya itataguyod ang mga bata?

Dominic tuhog sa dalawang bagong programa

Ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita at Oh My G! Ang dalawang bagong magkaibang love stories na tiyak na susubaybayan ng sambayanan. Kaya naman ganun na lang ang tuwa ng aktor na si Dominic Ochoa dahil kasama siya sa cast ng Oh My G!.

Proud si Dominic na makasama ang mga baguhang sina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Manolo Pedrosa. Ang Oh My G! ay sa direksyon ni Roni Velasco.                                                             

ANG NASAAN KA NANG KAILANGAN KITA ANG OH MY G DOMINIC DOMINIC OCHOA JANELLA SALVADOR MANOLO PEDROSA MARLO MORTEL OH MY G ONEMIG BONDOC
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with