^

Pang Movies

Danica kuntento sa asawang basketbolista

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Matapos ang matagumpay na Happy sa 2015 Philippine New Year countdown, magpapatuloy ang Kapatid Network sa pagbibigay ng 10 bagong programa na binubuo ng mga positively entertaining shows.

Nagbabalik telebisyon si Danica Sotto sa pang-umagang lifestyle show na pinamagatang Happy Wife, Happy Life kasama si LJ Moreno-Alapag na asawa ng PBA Mighty Mouse na si Jimmy Alapag, RR Enriquez na girlfriend ng ace player na si JJ Helterbrand at Jeck Maierhofer na asawa ni Rico Maiehofer.

Tinanong si Danica kung ano ang masasabi niya bilang asawa ni Marc Pingris.

Anang aktres, “Wala na akong mahihiling pa sa kanya dahil mabuti siyang asawa at ama ng  aming mga anak. Sana huwag siyang magbago.”

Ang programa ay magbabahagi ng mga challenges ng mga asawa ng basketball superstars. Nagsimula itong mapanood kahapon, Lunes, Januaruy 19, 10:30 ng umaga.

Kahit ‘babae’ na, Robin masayang kasa-kasama uli si BB Gandanghari

Tinangkilik ng mga manonood ang pelikulang pinagsamahan noon nina Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari na Mistah.

Nagbabalik sila ngayon sa telebisyon via 2 1/2 Daddies sa kanilang kauna-unahang comedy show together. Makakasama nila si Alice Dixson. Mapapanood ito tuwing Sabado, alas-7 ng gabi.

Natutuwa si Robin dahil magkakasama silang magkakapatid lalo na si BB.

Ating isabuhay ang mensahe ni Papa

Tiyak na mami-miss ng mga Pilipino si Pope Francis kung saan lubhang naging makabuluhan ang kanyang Papal visit sa bansa. Napalitan ng ligaya ang lungkot na dinanas ng ating mga kababayang sinalanta ng bagyo.

Marami tayong natutunan sa mga mensahe ni Papa at sana’y isabuhay natin ito. Sinabi nito na mahalaga bilang Kristiyano ang pagmamahal sa mga mahihirap at pagyapak sa payak na pamumuhay.

Tumimo sa puso ko ang mensahe nito na kailangang marunong tayong umiyak at magpatawad sa kapwa tao.

ALICE DIXSON

DANICA SOTTO

GANDANGHARI

HAPPY LIFE

HAPPY WIFE

JECK MAIERHOFER

JIMMY ALAPAG

KAPATID NETWORK

MARC PINGRIS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with