Fans ni Jennylyn gusto si Raymart para sa aktres
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 19, 2015 - 12:00am

Type na type ng fans ang title ng gagawing concert ni Jennylyn Mercado na Oo Na! Ako na Mag-isa Samahan n’yo Naman Ako! na Valentine concert ng singer/actress sa Feb. 13, 2015 sa SM North Skydome.

Nakikipagpuyatan din ang fans ni Jennylyn sa palabas nitong Second Chances sa GMA-7 na bilib na bilib sa isang drama scene nito bilang Lyra.

Patok agad sa ibang fans ang tambalang Jennylyn at Raymart Santiago na boto kung sakaling magkadebelopan ang dalawa. Bagay daw ang pagiging sexy at yummy ni Raymart kay Jennylyn kaya tinutukso sila ng mga fans, tutal naman daw ay pareho silang libre. Pero umaalma ang Rafael Rosell team na mas bagay daw ang aktor kay Jen, kesa sa macho image na dating ni Raymart.

Nag-umpisa lahat ang pagiging ‘hot’ ni Jennylyn pagkatapos ng tagumpay ng English Only, Please.

Tapos na raw ang oras niya

Mikael Daez nilayasan ang isang beauty pageant na siya ang host

Nagrereklamo ang mga taga-Bauang, La Union sa Kapuso actor na si Mikael Daez kung bakit maaga raw itong nalunod sa isang basong tubig. Nagdaos kasi ng Miss Bauang 2015 nu’ng isang linggo na ang host ay si Mikael nga. Pero ang siste, hindi tinapos ni Mikael ang kanyang hosting job dahil bigla na lang daw itong umalis.

Ang dahilan daw ng actor ay tapos na ang kanyang oras, samantalang hindi pa tapos ang pageant. Kaya nagtatanong ang mga taga-Bauang kung talagang may attitude problem ang TV host/actor.

Nine o’clock na nag-start ang pageant at late na natapos, pero sa lahat daw ng mga artistang naging host nila taun-taon bukod tanging si Mikael lang ang hindi tinapos ang pageant. Hinihintay pa ng iba hanggang matapos ang awarding.

Kaya na turn-off ang fans ng guwapong TV host/actor ng Kapuso Network sa pag-walk out sa natapos na Miss Buang 2015.

BAUANG ENGLISH ONLY JENNYLYN JENNYLYN MERCADO KAPUSO NETWORK KAYA LA UNION MIKAEL MIKAEL DAEZ MISS BAUANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with