^

Pang Movies

Alden, type na type si Anne Curtis

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inilunsad ng Boardwalk ang mga bagong mukha o endorsers. Ang mga Kapuso endorsers ay sina Alden Richards,  Mike Tan, Janine Gutierrez, Rich Asuncion, Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Kim Rodriguez, at Juancho Trivino.

Inirampa ng mga modelong Kapuso stars ang fresh, cosmopolitan, missy, men’s basic and intimate apparel  at artista collections ng Boardwalk.

Nakausap namin ang Kapuso stars na endorsers ng Boardwalk.

Isa na rito si Alden Richards ng itinuturing na maswerte sa career ngayon dahil sa pagiging masinop sa pera. Nakabili na ito ng malaking bahay para sa pamilya na 300 sq. meters at may limang malalaking kuwarto. Bale dalawang lote ito. Binaha kasi ang dating bahay nila kaya napilitang bumili ng bagong titirhan.

Gusto pa nitong makaipon para sa itatayong negosyo kaya hindi prioridad ang lovelife. Pero inaming matindi ang crush niya kay Anne Curtis. Nalulungkot nga lang siya dahil nasa kabilang network ito.

‘‘Baka may magprodyus ng pelikula balang araw at magkarun kami ng pagkakataon na magkatambal, ‘di ba?

Pangarap ni Alden na gumanap sa role ng isang assassin at sana nga ay makatambal si Anne.

THEA MAS GUSTO NA MAY KA-LOVETEAM

Hindi na mahiyain si Thea Tolentino ‘di gaya noong unang makausap namin siya. Natutuwa ito dahil na-extend pa ang kanilang teleserye ni Barbie Forteza na Half Sisters.

Kontrabida ang karakter na ginagampanan niya rito pero natutuwa dahil hindi niya naranasan na sungitan ng   fans kapag nakikita siya sa mall.

Nagbida na si Thea sa Pyra at okey lang na malinya siyang kontrabida. Ang mahalaga may trabaho siya. Ang gusto lang niya ay magkaroon ng ka-loveteam dahil nagkakaroon ng kilig ang  fans.

Natutuwa si Thea na naging endorser ng Boardwalk at maging bahagi nga We Love It Collection.

 

 

ALDEN RICHARDS

ANNE CURTIS

BARBIE FORTEZA

HALF SISTERS

JANINE GUTIERREZ

JERIC GONZALES

JUANCHO TRIVINO

KAPUSO

KIM RODRIGUEZ

THEA TOLENTINO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with