^

Pang Movies

Zsa Zsa kinumpirma ang auction: Ari-ariang naiwan ni Dolphy aabot sa P350-M!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kinumpirma ni Zsa Zsa Padilla na talagang in auction ang mga iniwang properties ni Comedy King Dolphy. Matatandaang nauna na itong inihayag ng magkapatid na Eric and Epi Quizon at ang live auction ay magaganap sa Jan. 31 sa Dolphy Theater of ABS-CBN compound at 1:00 pm onwards.

Napakaraming properties ang iniwan ni Mang Dolphy at puring-puri talaga ni Zsa Zsa ang pagiging masinop ng yumaong karelasyon.

“He worked so hard and he was really very good at it (sa pag-i-invest ng mga real estate properties). May knack siya for that. Pag mayroon siyang nabili na lupa, talagang naga-appreciate agad,” say ni Zsa Zsa presscon ng indi film na M (Mother’s Maiden Name).

Sa rami nga ay ni hindi pa nga raw napuntahan ng aktres/singer ang ibang properties.

Sinasabing umaabot daw sa more or less 350M ang kabuuang halaga ng lahat ng properties at ayaw itong kumpirmahin ni Zsa Zsa.

 “Ewan ko, ano ba ang kwenta? Huwag n’yo po akong kidnapin,” pagbibiro nya.

Sinasabi ring pantay-pantay ang share na makukuha ng 18 anak ni Mang Dolphy mula sa mapagbebentahan at wala raw parte rito si Zsa Zsa.

Pero ayaw din itong kumpirmahin ng Divine Diva.

“Pag may na-get na, saka na tayo. . .” she said.

Pinakamarami yatang properties ni Mang Pidol ay sa Batangas kung saan naroon daw ang Chateu sa Nasugbu na ayon nga sa report ay gift ng Comedy King kay Zsa Zsa. Hindi raw ito kasali sa bentahan.

“Chateu talaga? Hindi barung-barong? It’s on top of the hill, my girls (her daughters) really like that. We equally share naman on everything. So, there.”

But how does she feel about this auction?

“This auction kasi, it’s good that everybody, all of the heirs will have a chance to get some finances, hindi ba? Saka siyempre, may kanya-kanyang negosyo rin at saka, ‘yung foundation niya (ni Dolphy), maraming mga plano, we plan a museum for him du’n sa proceeds,” she said.

Samantala, pinaklaro rin ng press kay Zsa Zsa ang tsismis na may gap sila ng anak na si Zia.

Nevertheless ay nilinaw ng Divine Diva na wala itong katotohanan.

 “Kung itse-check n’yo ang aking IG (Instagram), makikita n’yo naman na magkasundo kami and I don’t think naman I’ve worked hard and I’ve learned my lesson when I was younger, kasi I was only 16 when I became a Mom, ‘di ba?

 “So, natutunan ko na kung paano talaga magkaroon ng magandang relasyon sa mga anak ko and I don’t think that anything  could get in the way to the good relationship that I have with my children and there’s no truth to that,” paglilinaw niya.

Samantala, ang M ng Quantum Films ay matatandaang entry to Metro Manila Film Festival New Wave category kung saan ay nanalo si Zsa Zsa bilang Best Actress. Mula ito sa direksyon ni Zig M. Dulay.

Ipapalabas na sa mga sinehan commercially ang M starting on Jan. 21. Kasama rin sa movie sina Nico Antonio, Gloria Sevilla, Dennis Padilla, Sue Prado, and Mark Topacio.

BEST ACTRESS

CHATEU

COMEDY KING

DENNIS PADILLA

DIVINE DIVA

MANG DOLPHY

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with