Nagpanggap na marunong mag-host, male celeb disaster ang ginawa sa malaking event
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 14, 2015 - 12:00am

Hindi na nga itutuloy ng male celebrity ang kanyang pangarap na maging host dahil sa unang sabak pa lang niya ay palpak na ito kaagad.

Naimbiyerna sa event organizer ang major sponsor ng isang malaking event dahil sa pagpupumilit nilang gawing host ng naturang event ang male celebrity.

Ang benta pa naman daw nila na sanay na itong mag-host ng mga malalaking events at tiyak na magugustuhan siya ng mga bisita ng sponsor.

Pero pagdating ng gabi ng event, nagkagulo sa backstage dahil nagtatatalak ang sponsor dahil sa mga kapalpakan ng male celebrity na nagkukunwaring host.

Bukod nga raw sa mali-mali ang pagbigkas ng mga pangalan ng mga sponsors at mga VIP guests, paulit-ulit ang pag-buckle nito.

Halatang-halata raw na hindi ito sanay na mag-host ng malaking event kaya ang dami raw mali nito at may ilang beses din na pumipiyok ito.

Kaya ang sponsor ay pumunta ng backstage at tinalakan ang mga organizers ng event dahil hiyang-hiya siya sa mga VIP guest niya.

Hindi na nga raw niya ito kukunin para sa mga event niya dahil sa sobrang palpak ng ipinilit nilang male celebrity.

Nag-apologize ang buong staff sa kanilang sponsor dahil hindi naman daw nila alam na gano’n kapalpak ang male celebrity.

Sinabi raw kasi ng manager nito na mahusay itong mag-host pero inechos lang pala sila nito kaya sila tuloy ang naputukan ng big sponsor nila.

Jennica hindi planado ang pagbubuntis!

Two months pregnant na si Jennica Garcia at inabisuhan siya ng doctor na complete bed rest dahil maselan ang pagbubuntis nito.

Ito nga ang dahilan kung bakit hindi natuloy gawin ni Jennica ang isang TV show sa ABS-CBN 2 na Oh My G! Kailangan daw talaga ay nakahiga ito at limitado ang kanyang pagtayo at paglakad.

Ikinuwento ng mister niyang si Alwyn Uytingco na para malibang si Jen ay nag-aral itong mag-crochet. Ngayon ay ginawa na nilang business ang mga kino-crochet ni Jen.

“Originally, plano ni Jen, mag-crochet para sa baby namin. And then, sabi ko, ‘Post mo kaya sa Instagram, baka may magkagusto, at least extra income natin ‘yan.’

“Ayun, thankfully, nung pinost namin sa Instagram, ang dami agad nag-like. May orders na siya sa labas ng Luzon, so meron na kaming clients.

“Pero sabi ko sa kanya, huwag masyado, kasi bawal pa rin siyang mapagod. Kapag nalagpasan na niya ang delikadong lagay niya, puwede na niyang ituloy ang crochet business namin.”

Sa pagiging first-time parent, sabi ni Alwyn na kabado siya dahil hindi nga nila planado ang pagbubuntis ni Jennica.

“Totoo naman talaga, eh, hindi kami prepared. Pero sabi nga namin, if it is God’s will, ‘di ba? Plano talaga ni Lord ‘yan so kailangan i-embrace mo,” pagtatapos pa ni Alwyn Uytingco.

Show ni Bill Cosby binulabog ng mga nagpoprotesta

“You’re a rapist!”

Ito ang sinigaw ng isang nanood na heckler sa naganap na show ng kontrobersyal na comedian na si Bill Cosby.

Sa Ontario, Canada nga naganap ang show ni Cosby, bagama’t napuno niya ang venue, may mga nagpoprotesta sa labas ng venue na mga kababaihan para ikondena ang ko­medyante.

Hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawang aksyon si Cosby sa mga paratang sa kanya ng higit na dalawang dosenang babae na nagke-claim na dinroga niya sila sabay ginahasa.

Nagawa pang mag-joke ni Cosby sa isang female audience na tumayo para bumili lang ng maiinom.

Hirit ni Cosby: “You have to be careful about drinking around me.”

Pinalakpakan pa rin si Cosby ng mga manonood pero marami ang hindi natutuwa sa kanya na nagpoprotesta sa labas dahil sa diumanong sex crime na ginawa  niya sa ilang kababaihan.

ALWYN UYTINGCO BILL COSBY COSBY DAHIL JENNICA NIYA PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with