^

Pang Movies

Pokwang in love na sa Kanong aktor?

PARINIGA NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Katuwa ang pagpu-push nina Kris Aquino at Boy Abunda sa kaibigan nilang si Pokwang nang mag-guest ito sa The Buzz last Sunday kasama si Lee O’Brian na kanyang leading man sa movie nilang Edsa Woolworth na ipalalabas bukas, January 14, sa mga sinehan. Medyo naalarma pa ang dalawang TV host nang malamang hindi invited si Pokie sa pagpunta ni Lee sa Boracay.

Sinabi pa ni Tito Boy na gagawan niya ng paraan kung wala pang ticket si Pokie para lang makasiguro na kasama ang komedyana ni Lee sa isla ng Boracay. Sinegundahan naman ni Krissy na dapat bakuran ni Pokie si Lee, or else baka nga naman may iba pang Pinay na ma-meet ang foreign actor doon.

Halatang malakas ang tama ni Pokie sa kanyang leading man dahil nagpipigil ito sa kanyang pagiging maharot. Feeling long hair rin si Pokie dahil nagustuhan uli ni Lee ang kanyang luto at sa mga papuri sa kanya na hoping din na may future ang kanilang special friendship.

Impressed talaga si Lee kay Pokwang hindi lang dahil masarap itong magluto kundi mahusay pang umarte, isang loving mother, at napatunayan din ni Lee na magaling na performer si Pokwang nang magpakitang gilas ang komedyana sa dance number sa ASAP last Sunday. Pero higit sa lahat ay nagustuhan siya ng aktor sa pagiging witty nito dahil napatatawa raw siya ng komedyana kahit seryoso ang usapan nila. Wish din siyempre ni Pokwang na tuluyan ngang mahulog sa kanyang karisma ang actor na suportado ng lahat ng kanyang friends. Sana rin daw ay hindi maudlot ang kanilang magandang pagtitinginan na nagsimula sa kanilang movie.

Ang Edsa Woolworth ay produced ng The Filipino Channel (TFC) at released by Star Cinema sa direksyion ni John-D Lazatin.

Jake kampante sa career kahit nasa hospital pa si Kuya Germs

Hindi naalarma si Jake Vargas kung sakaling maapektuhan ang kanyang career sa pagkakasakit ni Kuya Germs Moreno na tumatayong mentor at manager nito.

Lalo pa’t may naka-schedule itong movie na ipalalabas na - Liwanag sa Dilim ngayong February.

Mananatili pa rin daw si Kuya Germs bilang manager niya at thankful si Jake dahil palabas na ng  ospital ang Master Showman at sa bahay na lang ito magpapagaling.

Basta ang wish lang ni Jake ay makapagpahinga si Kuya Germs at dapat daw ay hindi masyadong mag-isip para hindi ma-stress.

Kasama ni Jake sa Liwanag sa Dilim ang kanyang ka-loveteam at GF na si Bea Binene na masusubukan ang hatak at suporta ng kanilang fans sa muli nilang pagsasama sa big screen. Nasa movie rin sina Sarah Lahbati, Rico Blanco, at Sunshine Cruz na released by APT Films.

vuukle comment

ANG EDSA WOOLWORTH

BEA BINENE

BORACAY

BOY ABUNDA

DILIM

EDSA WOOLWORTH

FILIPINO CHANNEL

KANYANG

KUYA GERMS

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with