^

Pang Movies

Raymart napilitan lang makipagkaibigan kay Claudine para makita ang mga anak

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nagsalita na rin sa wakas si Raymart Santiago kung saan inaming malabo na silang magkabalikan ni Claudine Barretto bilang mag-asawa, pero bilang magkaibigan okey lang.

Yummy ang dating ni Raymart nang dumalo sa presscon ng teleser­yeng Second Chances dahil sa regular na pagwo-work out.

Naubusan na ng pagmamahal ang aktor sa estranged wife dahil sa rami ng pinagdaanang problema sa kanilang buhay. Ang inaalala lang nito ay ang dalawang anak na hindi niya nakita nung Kapaskuhan kaya hindi puwedeng maputol kahit ang pagiging magkaibigan man lang ng dalawa.

Sasabak sa drama si Raymart sa Second Chances at may nagtatanong kung may mabubuong magandang pagtitinginan sa kanila ni Jennylyn Mercado.

Pokwang may pag-asasa Kanongsi Lee O’Brian

Ang lakas ng atraksyon kay Pokwang ng banyagang aktor na si Lee O’Brian na kasama niya sa pelikulang EDSA Woolworth.

Inamin kasi ni Lee sa presscon ng said movie na malaki ang posibilidad na makapag-asawa siya ng isang Pinay.

Sinabi ni Lee na courageous ang aktres at malakas ang atraksyon sa kanya ng komedyante. Hanga rin siya sa pagiging mapagmahal ni Pokie at may chemistry agad silang dalawa dahil propesyonal ito sa trabaho.

Hindi kaya ma-in love sila sa isa’t isa? Pareho naman silang single at masaya sa pagiging magkaibigan.

Palabas na ang EDSA Woolworth sa January 14 sa mga sinehan sa bansa at may premiere night sa January 13 sa SM Cinema 7.

 

HANGA

INAMIN

JENNYLYN MERCADO

KANONGSI LEE O

KAPASKUHAN

LEE O

POKWANG

RAYMART

SECOND CHANCES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with