^

Piolo Pascual may bonggang birthday celebration

(Pang-masa) - January 11, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Imbitado ang lahat ng Kapamilya sa ASAP 20’ ngayong Linggo (Enero 11) sa bonggang birthday celebration ni Kapamilya leading man Piolo Pascual.

Bukod sa kapanapanabik na birthday treat ni Piolo, lalong sisigla ang linggo ng TV viewers dahil sa tripling sorpresa ng world class Filipina beauties na sina Miss Universe 3rd runner up Ariella Arida, Ms Earth 2014 Jamie Herrel, at Ms. International 2013 Bea Rose Santiago.

Tiyak na aapaw sa kilig ang ASAP 20 center stage sa special production number ng hottest Kapamilya leading men na sina Jericho Rosales, Jason Abalos, Patrick Garcia, JC de Vera, at Xian Lim. Hindi magpapahuli sa pasiklaban ng talento si  Edsa Woolworth lead star Pokwang, at ang ultimate sibling power surprise nina Daniel at Vanessa Matsunaga.

Tuloy-tuloy ang selebrasyon sa ASAP 20 kasama ang kakaibang musical collaboration nina Sarah Geronimo at Sam Concepcion.

Humanda naman sa isang massive teen invasion ng hottest teens na sina Mavy at Cassy, Nash Aguas, Jairus Aquino at Sharlene San Pedro, Zaijan Jaranilla, at Andrea Brillantes, Iñigo Pascual,Marlo Mortel, Janella Salvador, Jane Oineza, Joshua Garcia, Ella Cruz, Paolo Tan, Mika Dela Cruz, Alex Diaz at Gimme 5.

Samantala, world class talent naman ang muling masasaksihan sa musical performance nina Martin Nievera, Angeline Quinto, Jed Madela, Richard Poon,Yeng Constantino, KZ Tandingan at ng The Voice Kids na susundan ng superb K Pop surprise mula sa K Pop Group na Boys Republic.

Maki-groove naman sa all-star jamming ng Silent Sanctuary kasama sina JM de Guzman, Carlo Aquino, Princess Velasco, at Aiza Seguerra; na susundan ng grand album launch ni Noel Cabangon.

Huwag ding palampasin ang makapigil-hiningang Supahdance nina Kim Chiu, Maja Salvador, Jessy Mendiola, Rayver Cruz, Nikki Gil, Alex Gonzaga, Robi Domingo at Aaron Villaflor. Abangan ang isang kakaibang Karaokey Segment kasama sina Luis Manzano, Alex Gonzaga, Marcelito Pomoy, at Jolina Magdangal.

AARON VILLAFLOR AIZA SEGUERRA ALEX DIAZ ALEX GONZAGA ANDREA BRILLANTES ANGELINE QUINTO ARIELLA ARIDA BEA ROSE SANTIAGO BOYS REPUBLIC KAPAMILYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with