^

Pang Movies

Kaya kailangan ng matagal na pahinga Kuya Germs hindi maigalaw ang isang kamay, naapektuhan din ang pananalita dahil sa stroke

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pala maigalaw ni Kuya Germs ang kanang kamay niya pero ang legs niya ay 70 percent niyang naigagalaw. Ito ay ayon sa anak niyang si Federico Moreno nang mainterbyu ng Startalk kahapon.

Ang balita nga ay gustong dalhin ng anak si Kuya Germs sa States upang doon magpagaling nang husto. Pati kasi ang pananalita ng Master Showman ay apektado sa stroke niya.

Pansamantalang hahalili sa Walang Tulugan ang mga anak-anakan ni Kuya Germs sa programa. Sa message ng ilang kababayan sa States at Canada, nakikita namin ang pagluha niya sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Vic at Pauleen kinakantiyawan nang magpakasal

Binigyang-halaga ng ilang Eat Bulaga Dabarkads ang ginawang beach wedding nina Aiza Seguerra at Liza Diño sa Laiya, San Juan, Batangas last Thursday. Taped ang episode ng noontime show sa araw na ‘yun maging kinabukasan, Friday, sa dahilang baka mapagod ang nagsidalo sa okasyon.

Of course, hindi naman valid sa batas natin ang beach wedding na ‘yun komo kapwa babae sina Aiza at Liza. Gayunpaman, hindi naging dahilan ‘yun upang hindi ituloy ng partners ang gusto nilang gawin.

Isa si Vic Sotto sa ninong sa kasalan. Eh present din ang girlfriend na si Pauleen Luna sa okasyon. Kaya naman hindi maiwasang tuksuhin silang dalawa na sweet-sweet-an nu’ng reception.

Naku, isang malaking showbiz news kapag nagpakasal sina Vic at Poleng, huh! Sa pictures ng kaibigang Allan Diones, larawan nga ng kaligayahan sina Vic at Pauleen, huh!

Anyway, after ng part 2 wedding, tututok na sina Aiza at Liza sa pagkakaroon ng sperm donor upang magkaroon ng anak.

Kahit maraming kaso at bad boy ang image Justin pinagpipiyestahan na naka-underwear

Pinagpipistahan ngayon sa social media ang videos at pictures ni Justin Bieber na modelo ng sikat na brand ng underwear. Mamang-mama na kasi ang dating ng totoy na singer, kaya naman hindi lang mga babae kundi maging ang mga beki ay naglalaway sa sexy shots na ‘yun ni Bieber, huh!

Eh, bad boy pa ang dating ni Justin dahil sa mga kasong kinasangkutan and yet, kinuha pa rin siyang modelo ng sikat na brand. Naku, kung sa atin ‘yan, maglalabasan ang mga ‘holier than thou’ at tiyak na banned siya sa mga endorsements, huh!

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALLAN DIONES

EAT BULAGA DABARKADS

FEDERICO MORENO

JUSTIN

JUSTIN BIEBER

KUYA GERMS

LIZA DI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with