Raymart hindi nakatangging magpakita ng ‘laman’
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 11, 2015 - 12:00am

“Puwede ka bang tumanggi kay Direk Laurice (Guillen)?” Natatawang sagot ni Raymart Santiago, nang ipakita sa trailer during the presscon of Se­cond Chances na two or three times na shirtless ang actor. Kita ang hunky physique ni Raymart na at 41, napanatili niya ang maganda niyang pangangatawan.

Biniro tuloy si Raymart kung naghahanda na siya sa possible na iba pang sexy scene sa bago niyang drama series sa GMA-7. “Actually, nag-gain na nga ako ng weight ngayon, pero hindi mo nga puwedeng tanggihan ang director mo, kahit ito ang first time na ginawa ko ito. Hindi naman ako nailang na kunan ang topless scene ko dahil nasa beach naman ako.”

Biniro si Raymart na puwede rin pala siyang mag-join sa Cosmo Bash, iyon daw ang dapat muna niyang paghandaan.

Sa Second Chances, gagampanan ni Raymart ang role ng isang single father, si Bernard Castelo, kung saan naiwan sa kanya ang anak na lalaki ng yumao niyang asawa. Muli siyang umibig at nagbago ang meaning of life to him when he meets Lyra (Jennylyn Mercado). Si Lyra na ba ang second chance ni Bernard para muling lumigaya?

Ngayong may anak siyang lalaki sa story, hindi ba niya nami-miss mga anak niya, sina Santino at Sabina? May communication pa ba sila ni Claudine (Barretto)?
“Nami-miss, sobrang miss ko na sila, pero wala akong magagawa,” bungad ng aktor. “Nagkakausap lamang kami kapag kailangang ipa-check-up ang mga bata. Ganun lang, hindi kami nagbatian noong Christmas at New Year.”

Camille hindi makaakit ng lalaki dahil sa ‘sumpong’

Wala pa at nasa US Christmas vacation pa si Camille Prats noong presscon ng Second Chances pero nakausap namin siya while taping noon ng lifestyle show nilang Mars ni Suzi Entrata, tungkol sa role niya as Rebecca Villacorta. “First time ko pong gumanap sa role ng isang bipolar,” kuwento ni Camille. “Childhood friends kami ni Lyra (Jennylyn Mercado), pero naging drug addict ako kasi hinahanap ko ang nawawala kong anak. Kung anu-ano ang ginagawa ko kapag sinusumpong ako ng character ko, dahil gusto kong makuha kung ano ang gusto ko. Ang lagi lamang umiintindi sa akin ang daddy ko, played by Roi Vinzon.”

Huli pang soap ni Camille ay ang afternoon prime na The Borrowed Wife.

Sa Monday, January 12, ang pilot episode ng Second Chances na mapapanood na pagkatapos ng Once Upon A Kiss sa GMA-7 sa direksyon ni Laurice Guillen.

BERNARD CASTELO BINIRO BORROWED WIFE CAMILLE CAMILLE PRATS COSMO BASH JENNYLYN MERCADO RAYMART SECOND CHANCES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with