Luis nakabili na raw ng bahay at lupa sa Batangas?!
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - January 10, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Uy nakabili na raw ng bahay at lupa sa Lipa, Batangas si Luis Manzano. So tuluy na tuloy na ang pagkandidato niyang mayor sa Lipa?

Usap-usapan ang nasabing umano’y bahay ni Luis at alam na alam ito ng ibang mga taga-Lipa.

Si Nay Lolit Solis ang pinagkuwentuhan kaya alam niya ang kulay at hitsura nito.

Hindi ko na-chat si Luis para tanungin kung bahay niya nga ito.

Pero nauna na niyang sinabi sa previous interview na namimili talaga siya ng bibilhing property sa Batangas. Pero ang sabi niya noon, beach front ang gusto niya. Pero walang beach sa area nang sinasabing bahay ni Luis.

Limang taong bata saksi sa pagpatay sa ina!

Malungkot ang pagsalubong sa Bagong Taon ng limang taong gulang na si Kent Ivan. Sa isang iglap, naulila si Kent sa ina at ang ama naman niya, posibleng sa kulungan ang bagsak.

Nitong ika-27 ng Disyembre, nasaksihan mismo ng bata ang isang karumal-dumal na krimen. Pinatay ang kanyang sariling ina ng mismong ama niya.

Nauwi sa malagim na krimen ang mainit na pagtatalo ng mag-asawa. Walang awang pinagsasaksak ni mister ang misis. Matapos nito, naglaslas din ang suspek.  Ang anak na nakasaksi sa mga pangyayari – agad sumigaw ng saklolo. Pero sa kasamaang palad, napuruhan ang kanyang ina.

Ano ang ugat ng krimeng sumira sa buhay ng kanilang pamilya?

Alamin ang kabuuan ng kuwento sa Imbestigador, kasama si Mike Enriquez, ngayong Sabado, pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend, sa GMA-7.

Cute kids Goin’ Bulilit nagpalamig sa Tagaytay

Isang out of town trip na puno ng katatawanan ang hatid ng long-running hit comedy show na Goin’ Bulilit ngayong Linggo (Enero 11) dahil magbabatuhan ang cute kids ng mga  nakakatuwang jokes at one-liners habang suot-suot ang kanilang mga sweater weather #OOTD sa ultimate must-go destination sa bansa –Tagaytay! Baon ang mga gags na siguradong magpapasakit sa tiyan dahil sa sobrang tawa, ang episode ngayong Linggo ang kukumpleto sa iyong weekend!

Patuloy na simulan ng tama ang bagong taon at huwag palampasin ang Tagaytay episode ng Goin’ Bulilit  matapos ang TV Patrol Weekend ngayong Enero 11.

BAGONG TAON BATANGAS BULILIT ENERO GOIN KENT IVAN LUIS PERO TAGAYTAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with