_pang-masa
^

Onemig Bondoc kinasuhan ang asawa

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 10, 2015 - 12:00am

Nagpunta kagabi sa Startalk office sa GMA 7 si Onemig Bondoc para magbigay ng pahayag tungkol sa custody case na isinampa niya sa Quezon City Regional Trial Court.

Desidido si Onemig na makuha ang custody ng dalawang  anak nila ng kanyang estranged wife na si Valerie Bariou.

Mapapanood ngayong hapon sa Star­talk ang panayam kay Onemig na nagla­bas ng  saloobin tungkol sa marital problems nila ng kanyang French wife na napanood noon sa pelikulang Emir ni Chito Roño at bilang double ni Rachel Weisz sa Hollywood film na The Bourne Legacy.

Co-judges ni Pacman sa Miss U hindi kilala?!

Si Congressman Manny Pacquiao lang ang kilala ko sa judges ng Miss Universe 2014.

Mga the who ang co-judges ni Papa Manny dahil hindi ko knows ang karamihan sa kanila.

Napa-look ako sa sky nang marinig ko sa radyo ang mga pangalan ng mga hurado ng Miss Universe na gaganapin sa January 25  at live na mapapanood sa Pilipinas sa January 26.

Kahit sinabi ng radio announcer na popular ang co-judges ni Papa Manny, hindi ako convinced dahil never heard ang kanilang mga pangalan.

Wish ko lang, ma-getlak ni Mary Jane Lastimosa ng Pilipinas ang so elusive crown ng Miss Universe, hitsurang 27 years old na siya.

Mahawahan sana ng suwerte ni Papa Manny si MJ na natupad ang pangarap na maging beauty queen dahil hindi siya nawalan ng hope.

Aiza at Liza nainggit lang kina Jun Lana at Perci Intalan?!

Invited sa beach wedding nina Aiza Se­guerra at Liza Dino noong Huwebes ang ‘mag-asawang’ sina Jun Lana at Perci Intalan.

Malaking karangalan para kina Jun at Perci na naimbitahan sila sa beach wedding na ipinagbawal ang TV coverage.

Sinundan lang nina Aiza at Liza ang yapak nina Jun at Perci na nagpakasal sa New York.

Sina Aiza at Liza ang mga fe­male counterpart ng same-sex marriage ng award-winning writer at ng former TV5 executive-turned-director.

May feeling ako na na-inspire nang todo sina Liza at Aiza sa love story nina Jun at Perci kaya nagpakasal din sila sa US.

Ang pagkakaiba lang, dala­wang beses na ikinasal sina Aiza at Liza, sa California noong December 8, 2014 at sa San Juan, Batangas noong January 8, 2015.

Napatunayan ni Aiza na mahal siya ni Vic Sotto dahil bumiyahe pa ito sa Batangas para sa wedding reception nila ni Liza.

AIZA AIZA SE BATANGAS JUN LANA MISS UNIVERSE PAPA MANNY PERCI PERCI INTALAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with